PPCRV volunteers, hinimok na patunayang kayang isagawa ang BARMM parliamentary elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,135 total reads

Hinimok ni dating Philippine Ambassador to the Vatican Henrietta De Villa ang mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maging katuwang sa pagpapatunay na kayang isagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang isang mapayapa, responsable, at mapagkakatiwalaang halalan.

Sa panayam sa Radyo Veritas, binigyang-diin ni De Villa na siya ring co-founder at chairman emeritus ng PPCRV ang matagal nang ugnayan ng organisasyon sa mga taga-Bangsamoro, na nagsimula pa noong 2005.

Ayon kay De Villa, mahalaga ang halalan dahil katuwang ng PPCRV ang mga taga-BARMM sa kanilang hangarin para sa sariling pagpapasya, kapayapaan, at pamamahalang nakaugat sa kanilang pagkakakilanlan bilang Bangsamoro.

Ipinunto rin niya na natatangi ang parliamentary elections dahil maisasakatuparan ng BARMM ang sariling parliamentary system habang nananatili itong bahagi ng pamahalaan ng Pilipinas.

“The importance, because we have been partners of PPCRV buhat nung ano… buhat nung 2005, ‘no? And alam ko ‘yung aspirations nila eh that self-determination, at tsaka ‘yung magkaroon ng finally peace, and to be governed by themselves, Bangsamoro talaga… they will make true a system while they are, how do you call that, ‘yung realize their dream, but it’s also within the government of the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni De Villa sa Radyo Veritas.

Masaya rin si De Villa para sa mga taga-BARMM na aniya ay matagal nang katuwang ng PPCRV at itinuturing na niya bilang pamilya.

Hinamon niya ang mga Bangsamoro na gamitin ang pagkakataong ito upang ipakita na kaya nilang pamahalaan ang kanilang rehiyon at bumoto nang responsable, sa kabila ng mga negatibong pananaw na iniuugnay sa BARMM.

“This will give them a chance. This will give them a chance, and we want to help them have that chance to prove that they are a good people, they can govern themselves, they are trustworthy, and they know how to vote responsibly.” Dagdag pa ni De Villa.

Samantala, nagpaabot din ng personal na panalangin at mensahe ng suporta si De Villa sa mga PPCRV volunteers na magsasagawa ng tungkulin sa unang BARMM Parliamentary Elections sa September 14, 2026.

Paliwanag ni De Villa, bagamat hindi na siya personal na makararating mismo sa lugar tulad ng mga nakaraang halalan, hiniling niya sa mga volunteers na manatiling ligtas at maisagawa nang maayos ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa PPCRV ng Commission on Elections o COMELEC.

“First of all, that you will be safe. And that second, you will be able to cover well, to be able to do the tasks that mandated sa atin sa COMELEC.” Ayon pa kay De Villa.

Umaasa rin si De Villa na sa pamamagitan ng pagbabantay at pakikilahok ng mga volunteers ay mapatutunayan na ang BARMM ay may kakayahang magsagawa ng halalang malinis, mapayapa, at may pananagutan.

“We will prove that otherwise. You will prove that otherwise. I have faith in you, at mahal ko kayong lahat. Pinapagdasal ko kayo araw-araw.” Ani De Villa.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pakikilahok sa halalan ay mahalagang pagpapahayag ng pananagutan para sa kabutihang panlahat sa pamamagitan ng tapat na pagboto at pagbabantay sa integridad ng proseso at resulta ng halalan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,386 total reads

 10,386 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,789 total reads

 65,789 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,154 total reads

 151,154 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,891 total reads

 197,891 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,763 total reads

 245,763 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,485 total reads

 346,485 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top