VP Sara, naging director at stockholder ng kumpanya kahit nakaupong bise-presidente ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,608 total reads

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Article 2 sa articles of impeachment na tumatalakay sa ‘unexplained wealth,’ muling humarap si Securities and Exchange Commission (SEC) Director Gerardo Del Rosario sa witness stand.

Sinabi ni Del Rosario na base sa record ng SEC na nakalista pa rin bilang director at stockholder ng Metro City Chow Foods Corporation si Vice President Sara Duterte hanggang 2025.

Ayon sa mga General Information Sheet o GIS ng kumpanya, nanatiling director si Duterte mula 2022 hanggang 2025, matapos siyang mahalal at manungkulan bilang Bise Presidente noong 2022. Nasa 20 porsiyento rin ang kanyang stake sa kumpanya, katumbas ng 500 shares na nagkakahalaga ng ₱50,000.

Lumabas din sa mga dokumento na nakalista si Duterte bilang miyembro ng compensation committee ng kumpanya sa mga filing na iniharap sa korte.

Kasama rin sa mga dokumentong sinuri ang audited financial statements ng Metro City Chow para sa 2024 at 2023. Nakasaad dito na inaprubahan ng board of directors ang mga financial statements noong Marso 31, 2025.

Sa pagtatanong ng mga senator-judge, muling iginiit ni Del Rosario na walang guidelines ang SEC para sitahin ang mga opisyal ng gobyerno na lumabag sa Article VIU ng Section 13 ng 1987 Constitution – o nagbabawal sa sa Pangulo, Bise Presidente, mga miyembro ng Gabinete sa pakikilahok sa negosyo habang nasa puwesto.

Ayon kay Del Rosario, dapat alam ng isang mataas na opisyal ang limitasyong ito at bago manungkulan ay kinakailangang alisin o i-divest ang mga business interest na ipinagbabawal ng Konstitusyon.

“Malinaw naman po sa batas na merong prohibition na dapat sana, alam niya na bilang mataas na opisyal ng gobyerno na pinanumpaan nya nung siya ay nag-swear, act as Vice President na ‘iyon ang kaniyang limitasyon. Kaya dapat sana, bago siya nanumpa, tinanggal na niya o nagdivest na siya,” ayon sa pahayag ni Del Rosario.

Bahagi ito ng paglalahad ng prosecution sa mga rekord ng Metro City Chow Foods Corporation, kung saan nakalista si Duterte bilang director at stockholder habang siya ay Bise Presidente.

Sumunod namang iniharap ng prosecution bilang testigo si PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña, na maglalahad ng mga rekord ng government contracts na may kaugnayan sa mga kumpanyang sinusuri ng prosecution.

Si Sopeña, ang ikatlong testigo ng prosecution para sa article 2 ng articles of impeachment o unexplained wealth na kinakaharap ni VP Duterte.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 4,969 total reads

 4,969 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 5,095 total reads

 5,095 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 18,745 total reads

 18,745 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 141,437 total reads

 141,437 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 191,801 total reads

 191,801 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 318,859 total reads

 318,859 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 403,505 total reads

 403,505 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 4,971 total reads

 4,971 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top