Educational at economic opportunities para sa mga migrante, panawagan ng opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,321 total reads

Binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang kahalagahan ng pagkakaisa ng Simbahan, pamahalaan, civil society, pribadong sektor, at iba pang sektor ng lipunan para matugunan ang kalagayan ng mga migranteng apektado ng mga nangyayari sa mundo at kawalan ng oportunidad.

Ayon kay Father Pascual, sa pamamagitan ng tunay na pagsusulong ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga migranteng magkaroon ng magandang kinabukasan, lalo na ang mga Pilipinong mula sa mga probinsya na nagtutungo sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng oportunidad.

Iginiit ng pari ang pangangailangang paunlarin ang mga probinsya sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang magkaroon ang mga mamamayan ng sapat na oportunidad sa kanilang sariling lugar.

Kabilang dito ang pagpapalawak ng educational at economic opportunities, lalo na sa mga probinsya, upang makatulong sa paglikha ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino at migranteng naghahanap ng mas maayos na buhay.

“Tayo po ay sama-samang nagkakaisa ang simbahan, ang gobyerno, ang civil society, pribadong sektor, at ang buong mundo sa pagbibigay ng atensyon sa mga taong biktima ng mga nangyayari sa ating mundo tulad ng migration at dahil sa kawalan ng oportunidad. Kaya nawa sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilid o solidarity, ika nga, solidarity, all sectors, mabigay natin ng pagkakataon na magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga migrants all over the world, lalo na sa Pilipinas, ang mga mahihirap na nasa probinsya na nagtamatambak sa Metro Manila. Kaya kailangan paunlarin natin ang probinsya, Luzon, Visayas, Mindanao, at mabigay sila ng oportunidad, educational opportunity, economic opportunity, lalo-lalo na sa probinsya,” ayon sa mensahe ni Fr.Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang panawagan ni Father Pascual ang kaugnay ng paggunita ngayong araw sa 112th World Day of Migrants and Refugees ng Simbahan, na may temang “Even just one of these children”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 8,122 total reads

 8,122 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 58,298 total reads

 58,298 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 80,388 total reads

 80,388 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 180,208 total reads

 180,208 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 213,125 total reads

 213,125 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top