Dignidad ng tao, hindi isaalang-alang sa paggamit ng AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,627 total reads

Binigyang-diin ni Cáceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang responsableng paggamit ng artificial intelligence o AI sa media ministry, kasabay ng panawagang manatiling nakatuon sa dignidad ng tao ang pag-unlad ng teknolohiya.

Ito ang naging mensahe ni Archbishop Alarcon, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Social Communications (CBCP-ECSC), sa kanyang keynote address sa 2nd Cebu Metropolitan Catholic Mass Media Congress.

Nakatuon ang pagtitipon sa paggamit ng AI sa media ministry at sa gampanin ng mga Catholic communicator sa mabilis na pagbabago ng digital media sa temang “To Work and to Take Care: Human Dignity at the Heart of AI Innovation in Media Ministry.”

Ayon kay Archbishop Alarcon, maaaring gamitin ang teknolohiya upang maghatid ng kabutihan, katotohanan at pag-asa, nang may pananagutan at paggalang sa bawat tao.

“A groundswell begins where we cannot see it. It begins beneath the surface. And perhaps that is how much of Christian communication works… Someone who was discouraged found hope. Someone who felt alone felt remembered. Someone who had become cynical saw goodness. Someone who was searching caught a glimpse of Christ,” ayon sa mensahe ni Archbishop Alarcon.

Mahalaga ayon sa arsobispo ang komunikasyon ay hindi lamang tungkol sa pagpapalaganap ng impormasyon, kundi ay dapat din itong makatulong sa pag-unawa sa katotohanan, makapagbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan at makapaglapit sa mga tao kay Kristo.

Binigyang-diin din ng arsobispo na kahit sa simpleng mensahe ng malasakit ay maaaring magkaroon ng malaking epekto, tulad ng pagbibigay ng pag-asa sa taong pinanghihinaan ng loob at pagpaparamdam na hindi siya nag-iisa.

Panawagan pa ni Archbishop Alarcon ang pagtutulungan ng mga Catholic communicator upang makabuo ng mas malawak na pagkilos sa media na nakaugat sa kabutihan, katotohanan at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 14,384 total reads

 14,384 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 99,789 total reads

 99,789 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 163,632 total reads

 163,632 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 252,056 total reads

 252,056 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 334,433 total reads

 334,433 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top