73-taong paglilingkod sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 200 total reads

Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng misyong i-angat ang buhay ng mga mahihirap.

Sa pagdiriwang ng ika-73 taong anibersaryo ng Caritas Manila, nagpapasalamat si Fr.Anton CT Pascual sa patuloy na pagkakaloob ng panginoon ng biyaya sa social arm ng Archdiocese of Manila upang maisakatuparan ang pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap.

Ayon kay Fr. Pascual, naging matagumpay ang misyon ng Caritas Manila dahil sa tulong at suporta ng mga volunteers at benefactors na sama-samang kumikilos upang mapalakas ang iba’t-ibang programa para sa kinabukasan ng mga nasa laylayan na pamilyang Pilipino.

Tinukoy din ng executive director ng Caritas Manila ang mahalagang papel ng mga volunteer o Social Service and Development Ministry (SSDM) sa pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong paglilingkod sa kapwa.

Iginiit ni Father Pascual na hindi lamang pagtulong ang layunin ng mga programa ng Caritas Manila kundi ang pagbibigay oportunidad sa mga mahihirap na makaahon sa kahirapan at magkaroon ng pag-asa sa buhay.

“Misyon ng Caritas Manila na matulungan ang mahirap na tulungan ang kanilang sarili. At nawa sa pamamagitan ng mga pondong nalilikom ng Caritas Manila, ito ay makapagbigay ng pag-asa sa ating mga kapos-palad—na huwag silang mawawalan ng pag-asa, lalo’t lalo na ang simbahan, na instrumento ng pagdaloy ng dakilang habag ng Diyos.”pahayag ni Fr.Pascual sa Radyo Veritas

Kabilang sa mga programang pinapatatag ng Caritas Manila ang Sanlakbay Program sa Pagbabago Program na nakatuon sa pag-aalaga, paggabay at paghubog sa mga drug dependents bilang bahagi ng restorative justice ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Fr. Roberto “Bobby” Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry, malaking tulong ang pagiging bahagi ng Caritas Manila upang higit na mapalakas at maging mas epektibo ang kanilang paglilingkod sa mga benepisyaryo.

Nagpasalamat si Fr. Dela Cruz sa Caritas Manila at sa mga mission partners na patuloy na sumusuporta sa mga programa para sa mga nangangailangan.

Binigyang-diin niyang sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan, mga volunteers at mga katuwang sa misyon ay mas napapalawak ang pagkalinga sa mga taong nangangailangan ng suporta, paggabay at panibagong pagkakataon.

Sa pagdiriwang ng ika-73 anibersaryo, muling binigyang-diin ng Caritas Manila ang panawagan na gawing konkretong pagkilos ang pananampalataya, lalo na sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga mahihirap at pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.

Para kay Father Pascual, mahalagang maipadama sa mga nasa laylayan ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 50,754 total reads

 50,754 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 84,438 total reads

 84,438 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 186,263 total reads

 186,263 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 226,822 total reads

 226,822 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 245,307 total reads

 245,307 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top