Bishop Mangalinao sa Franciscans, maging tunay na taga-pangalaga ng kalikasan at protektor ng mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Hinamon ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga Franciscan at mga mananampalataya na gawing konkretong pagbabagong-loob ang diwa ng Transitus ni San Francisco.

Sa kanyang keynote speech sa national celebration ng ika-800 taon ng Transitus ni San Francisco ng Assisi sa UST Quadricentennial Pavilion, sinabi ng obispo na dapat itong magsusulong ng higit na paglilingkod kay Kristo, sa kapwa, at maging sa sangnilikha.

Aniya, ang bokasyon ng mga Pransiskano ay dapat hindi lamang tungkol sa pagpapatakbo ng mga institusyon kundi dapat itong nakatuon kay Kristo.

“The Franciscan vocation is not fundamentally about managing programs, maintaining historic structures, or running institutions, or racking up achievements. Brothers and sisters, it is about belonging radically to Christ,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin din ni Bishop Mangalinao na bahagi ng patuloy na Transitus ang pagtalikod sa pansariling interes at pagtanggap sa pananagutang pangalagaan ang sangnilikha.

Aniya, ang pagmamahal sa kalikasan ay dapat makita sa konkretong pakikiisa sa mga komunidad na nanganganib dahil sa pagkasira ng kapaligiran.

“To be Franciscan today means standing shoulder to shoulder with indigenous communities whose lands are threatened, defending polluted rivers, protecting future generations, and living simply so that others may simply live,” ayon sa obispo.

Ibinahagi rin ng obispo ang kanyang pakikiisa sa mga komunidad sa Nueva Vizcaya at Quirino na nakikibaka upang mapangalagaan ang mga kabundukan, kagubatan at watershed laban sa mapanirang pagmimina at iba pang extractive industries.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na hindi sapat ang mga salita at pahayag tungkol sa pangangalaga sa kalikasan kung walang kahandaang kumilos at manindigan.

“It is easy to love creation when it costs you nothing. The sweet talk will never help us. It is another thing entirely to stand as a wall of defense between corporate greed and the vulnerable earth,” giit ng obispo.

Umaasa ang obispo na ang paggunita sa Transitus ni San Francisco ay maging paanyaya sa patuloy na pagtawid mula sa sarili patungo kay Kristo, mula sa pagkakahiwalay patungo sa pagkakapatiran, at mula sa pagsasamantala patungo sa pangangalaga sa sangnilikha.

Si San Francisco ng Assisi ay tinaguriang patron ng ekolohiya dahil sa kanyang pagmamahal sa sangnilikha.

Patuloy naman ang paninindigan ng mga Franciscan missionaries sa bansa laban sa mga usaping panlipunan, kabilang ang pagtatanggol sa karapatan ng mga dukha, mga katutubo, at iba pang mahihinang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng kanilang tanggapang Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 53,440 total reads

 53,440 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,965 total reads

 86,965 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,791 total reads

 188,791 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 229,348 total reads

 229,348 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,706 total reads

 247,706 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top