Obispo ng Ecclesiastical province of Capiz, nagpahayag ng pagtutol sa Boracay casino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,400 total reads

Suportado ng mga obispo ng Ecclesiastical Province of Capiz ang mariing pagtutol ng Diocese of Kalibo sa pagbubukas at operasyon ng casino sa Boracay, Malay, Aklan.

Sa isang pastoral statement na nilagdaan nina Capiz Archbishop Victor Bendico, Romblon Bishop Narciso Abellana at Kalibo Bishop Cyril Villareal, sinabi ng mga obispo na dapat seryosong pakinggan ang pangamba ng Simbahan sa posibleng epekto ng pagsusugal sa mga pamilya, lalo na sa mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

Binigyang-diin ng mga obispo na hindi lamang kita, pamumuhunan, at turismo ang dapat maging batayan sa pagsusuri sa operasyon ng casino, kundi higit sa lahat, ang kapakanan at dignidad ng tao.

“Behind questions of investment, tourism, and revenue are persons and families whose welfare must remain our primary concern,” ayon sa pahayag.

Ayon sa mga obispo, magiging mabuti ang kaunlaran ng lipunan kung nagbibigay ito ng marangal na kabuhayan, nagpapalakas sa mga komunidad at nagbibigay sa mga tao ng pagkakataong umunlad sa pamamagitan ng marangal na trabaho.

Babala ng mga pastol na maaaring mawala ang wastong direksyon ng kaunlaran kung inuuna ang ekonomiya at isinasantabi ang kapakanan ng mamamayan.

“It loses its proper direction when economic gain is pursued without sufficient regard for its human and social cost,” anila.

Nagbabala rin ang mga obispo sa iba pang suliraning kaakibat ng paglaganap ng pagsusugal, kabilang ang prostitusyon at human exploitation, pagnanakaw at iba pang krimen, at paglaganap ng ilegal na droga.

Hinimok nila ang mga opisyal ng pamahalaan, mga lider ng negosyo at lahat ng may pananagutan sa kinabukasan ng Boracay na pakinggan ang panawagan ng lokal na Simbahan.

“Decisions affecting a community should be judged not only by the income they may generate, but also by the kind of life and society they help to form,” saad pa ng mga obispo.

Binigyang-diin din ng mga obispo na ang panawagan ng Diocese of Kalibo ay hindi pag-atake sa sinuman kundi isang “appeal to conscience and to our responsibility for one another.”

Tiniyak ng mga obispo ng Ecclesiastical Province of Capiz ang kanilang pakikiisa kay Bishop Villareal at sa mga mananampalataya ng Diocese of Kalibo sa panawagang pangalagaan ang pamilya, igalang ang dignidad ng bawat tao at isulong ang kabutihang panlahat.

Una nang nanindigan ang lokal na simbahan ng Kalibo laban sa mga casino sa isla noong 2003 nang planong magbukas ng casino ang Philippine Amusement and Gaming Corp. sa lugar, ngunit hindi ito naipagpatuloy dahil sa mariing paninindigan ng mga mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,836 total reads

 219,836 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 251,567 total reads

 251,567 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 353,391 total reads

 353,391 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 393,952 total reads

 393,952 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,838 total reads

 405,838 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top