757 total reads
Hinimok ng arsobispo ang mga bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na iwasan ang malakas na tugtog, sigawan at iba pang ingay na maaaring makaistorbo sa mga nagdarasal at nagluluksa.
Ayon kay Archbishop Uy, mahalagang igalang ang mga sementeryo bilang mga lugar ng panalangin at pag-alala sa mga yumao.
“I appeal to everyone: Let us keep our cemeteries peaceful and prayerful. Let us avoid unnecessary noise, loud music, shouting, and boisterous laughter. Families will naturally gather and share stories, but let us always be mindful that beside us may be someone quietly praying, grieving, or simply spending a few precious moments with a loved one who has gone before them. Our joy should never disturb another person’s prayer,” ayon sa pahayag ng Arsobispo.
Nanawagan din ang arsobispo sa publiko na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng plastik, pagdadala ng sariling lalagyan ng tubig at tamang pagtatapon ng basura.
Binigyang-diin ng arsobispo na hindi dapat iwan ang mga basura sa sementeryo o sunugin ang mga ito dahil nakapipinsala ito sa kalusugan at kapaligiran.
Dagdag pa ng arsobispo, “As Christians, caring for creation is also part of our faith. And perhaps one beautiful way of honoring those who have gone before us is to care for the place where they rest.”
Sinabi ni Arcbishop Uy na bahagi rin ng pananampalatayang Kristiyano ang pangangalaga sa kalikasan na isang paraan ng paggalang sa mga yumao.




