964 total reads
Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly.
Nakatakda ang kauna-unahang National LAIKO Assembly na isang makasaysayang pagtitipon ng mga pangulo ng National Lay Organizations at Diocesan Councils of the Laity sa November 6 – 7, 2026 sa Holiday Plaza Hotel, Cebu City upang palakasin ang pagkakaisa at misyon ng mga laykong Katoliko sa Pilipinas.
Layunin ng pagtitipon na pagsama-samahin ang mga laykong lider upang magtipon, mag-ugnayan at sama-samang maglakbay sa diwa ng synodality habang tinatalakay kung paano mas matapang na tutugon sa tawag ng Panginoon at makikibahagi sa misyon ng Simbahan.
Hinihikayat din ang mga lider-layko na gamitin ang pagtitipon bilang pagkakataon upang muling pagtibayin ang kanilang commitment bilang mga missionary disciples at pagtibayin ang pagkakaisa ng mga laykong komunidad sa paglilingkod sa Simbahan.
“This is more than an assembly—it is an opportunity to gather, connect, and move forward in synodality as we unite our hearts and strengthen our mission as Filipino Catholic lay leaders. We look forward to journeying with you and the key lay leaders of your communities as we discern how we can respond more boldly to the Lord’s call and advance the mission of the Church together.” Bahagi ng pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Tema ng kauna-unahang National LAIKO Assembly ang “ONE LAIKO • ONE MISSION • ONE CHURCH: Gathering, Connecting, Moving Forward in Synodality.”
Hinikayat naman ang mga National Lay Organizations at Diocesan Councils of the Laity na magparehistro at makibahagi sa makasaysayang pagtitipon bilang bahagi ng patuloy na paglalakbay ng mga layko tungo sa mas nagkakaisang misyon ng Simbahan.




