2,011 total reads
Nanawagan ang Arkidiyosesis ng Capiz sa mga pari, religious communities at lay faithful na ipanalangin ang kalusugan at tuluyan na paggaling ni Capiz Archbishop Victor Bendico matapos itong sumailalim sa isang heart procedure.
Sa opisyal na pahayag nitong Nobyembre 2, 2026 inihayag ng Arkidiyosesis na kasalukuyan pa ring nasa Maynila si Archbishop Bendico habang nagpapagaling matapos ang nasabing operasyon.
“The Most Rev. Victor B. Bendico, D.D., Archbishop of Capiz, has recently undergone a heart procedure and is currently in Manila.” Bahagi ng pahayag ng Archdiocese of Capiz.
Hinimok din ng Arkidiyosesis ang mga mananampalataya na alalahanin ang Arsobispo sa pananalangin sa mga Banal na Misa, pagdarasal ng Santo Rosaryo, Holy Hour at pagdalaw sa Blessed Sacrament.
Ayon sa pahayag, “We invite the clergy, religious communities, and lay faithful to unite in prayer for his healing and recovery.”
Hiniling din ng Arkidiyosesis na ipanalangin maging ang mga medical professionals na nangangalaga kay Archbishop Bendico.
Nagpasalamat naman ang Arkidiyosesis sa lahat ng nagpapahayag ng panalangin, malasakit at suporta, habang ipinagkakatiwala si Archbishop Bendico sa mapagmahal na pangangalaga ng Panginoon at sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.




