2,138 total reads
Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga kompanyang nagdudulot ng pagbabago sa teknolohiya, transportasyon at iba pang larangan na tiyaking nakasentro sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan at kabutihang panlahat ang kanilang mga innovations.
Ito ang paalala ng Santo Papa sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng isa sa pinakamalaking kompanya ng ‘automotive and cars’ noong nakalipas na linggo sa Vatican, kasabay ng exhibit na nagtatampok sa isang siglo ng paggamit ng sasakyan sa paglilingkod ng mga Santo Papa ng Mercedes Benz.
“The exhibition offers an opportunity to reflect on the remarkable advances in automotive technology, as well as the deeper significance of the journeys undertaken by the Successors of Peter, evolved from a means of transportation into an instrument of encounter,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV sa Vatican News.
Binigyang-diin ni Pope Leo na ang mga pag-unlad sa teknolohiya ng transportasyon ay hindi lamang dapat nakatuon sa pagpapahusay ng paglalakbay, kundi maging instrumento rin sa pagpapalapit ng Simbahan sa mga mananampalataya at sa pagpapalaganap ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa kapwa.
Binigyang-pansin din niya ang kahalagahan ng mas napapanatili at abot-kayang transportasyon, kasabay ng panawagan na gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa paraang naglilingkod sa tao at sa kalikasan.
“In this way, your work has helped facilitate the Church’s mission of reaching out to people and bringing a message of faith, of hope and of charity to the world,” ayon sa pa sa Mensahe ni Pope Leo XIV
Kaugnay ito ng diwa ng pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan na itinatampok sa ensiklikal naLaudato Si’ ni Pope Francis, na nananawagan sa responsableng paggamit ng teknolohiya at likas na yaman para sa kapakanan ng sangkatauhan at ng susunod na henerasyon.




