Pagkakaiba ng relihiyon, hindi dapt maging dahilan ng pagkakawatak-watak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,777 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang iba’t ibang relihiyon na magtulungan sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at paggalang sa dignidad ng bawat tao sa halip na maging dahilan ng pagkakawatak-watak.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa pakikipagpulong sa mga pinuno ng mga simbahang Kristiyano at iba pang relihiyon sa Buenos Aires, Argentina.

Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat makita sa panalangin ang tunay na malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtutulungan, katarungan at kapayapaan.

“Whenever we pray, therefore, we must care for those who live alongside us, making the words we utter authentic through renewed fraternity,” ayon kay Pope Leo.

Hinimok din ng pinunong pastol ang mga lider ng relihiyon na ipagtanggol ang buhay at dignidad ng bawat tao, mula sa paglilihi hanggang sa natural na kamatayan.

Ayon pa kay Pope Leo, “We must care for those who live alongside us,” he said, urging believers to defend life “from conception to its natural end.”

Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang pamilya, edukasyon, trabaho at pangangalaga sa kalikasan.

Nagbabala rin ang Santo Papa laban sa paghahangad ng kapangyarihan, kayabangan at digmaan na nagdudulot ng pagkakabahagi-bahagi sa lipunan.

Ayon kay Pope Leo, mahalagang magtulungan ang iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala upang makatulong sa mahihirap, magbigay-pag-asa sa mga nawawalan ng direksiyon at itaguyod ang katarungan.

“May the Almighty,” bless our enthusiasm for humanity and inspire our commitment to peace,” panalangin pa ng Santo Papa.

Binigyang-diin ng Santo Papa na hindi kailangang talikuran ng bawat isa ang sariling pananampalataya upang magkaroon ng pagkakaunawaan at paggalang sa ibang relihiyon.

Nasa Argentina si Pope Leo XIV bilang bahagi ng kanyang apostolic journey sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 891 total reads

 891 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 62,594 total reads

 62,594 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 108,544 total reads

 108,544 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 209,811 total reads

 209,811 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 279,959 total reads

 279,959 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top