Obispo, kinondena ang pagkukubli sa mga maralitang komunidad para sa ASEAN Summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 196 total reads

Iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng mahihirap sa gitna ng mga puna sa pagtatago sa ilang maralitang komunidad sa Metro Manila bilang paghahanda sa ika-49 na ASEAN Summit.

Ayon kay Bishop Santos, hindi dapat itago ang kahirapan upang pagandahin ang imahe ng bansa sa harap ng mga dayuhang delegado. Sa halip, dapat itong harapin sa pamamagitan ng katarungan, malasakit at konkretong pagtulong sa mga nangangailangan.

“Ating bigyan diin ang dangal ng mga mahihirap at pananagutang panlipunan. Huwag itago ang katotohanan ng kahirapan, kundi harapin ito ng may katarungan, pagmamalasakit at pagkalinga,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Una nang kinondena ng grupong Kaagapay ng mga Sandigan ng Masang Nasa Kalsada o KASAMA KA ang umano’y sapilitang pagpapalikas sa mga street dweller at pagtatakip sa ilang komunidad gamit ang mga harang at pinintahang pader.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang Akbayan Party-list sa paggamit ng mga puting pintura at iba pang hakbang na umano’y nagkukubli sa tunay na kalagayan ng mahihirap.

Depensa naman ng Malacañang, bahagi ng mga hakbang sa seguridad ang paglalagay ng mga harang at pagpapasara sa ilang establisimyento. Layunin din nitong maipakita ang mga likhang-sining ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na sa halip na ikubli ang kahirapan, dapat itong tugunan sa pamamagitan ng mga programang kumikilala at nangangalaga sa dignidad, karapatan at kapakanan ng mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 14,577 total reads

 14,577 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 113,623 total reads

 113,623 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 196,653 total reads

 196,653 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 290,985 total reads

 290,985 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 352,088 total reads

 352,088 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top