CWS, nanawagan ng pagtatanggol sa soberanya at kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng ASEAN Summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total reads

Nanawagan ang Church People–Workers Solidarity (CWS) sa pamahalaan na pangalagaan ang pambansang soberanya at kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng pagbisita ni United States President Donald Trump sa bansa at pagdaraos ng ika-49 na ASEAN Summit.

Sa pahayag na nilagdaan ni CWS President at Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, tinutulan ng grupo ang kasunduang Pax Silica at iba pang mga kasunduan na anila’y maaaring magpailalim sa pambansang interes, kabuhayan ng mga manggagawa at pangangalaga sa kalikasan sa interes ng makapangyarihang mga dayuhang bansa at korporasyon.

Binigyang-diin ng grupo na hindi dapat iugnay ang pag-unlad ng Pilipinas sa mga digmaan at tunggalian ng mga dayuhang kapangyarihan.

Ayon sa CWS, ang pagtaas ng presyo ng langis at posibleng pagkagambala sa suplay ng enerhiya ay direktang nagpapahirap sa mga manggagawa, magsasaka, tsuper ng pampublikong sasakyan at mga pamilyang Pilipino.

Sa mensahe ni Bishop Alminaza, iginiit ng grupo na kailangang maging bukas sa publiko ang mga kasunduang may malaking epekto sa bansa, partikular ang Pax Silica.

“The Filipino people deserve full disclosure of proposed agreements, public expenditures, resource commitments, and environmental and social assessments,” ayon sa pahayag.

Kinuwestiyon din ng CWS kung sino ang higit na makikinabang sa mga naturang kasunduan, sino ang sasalo sa mga gastusin at epekto nito, at kung sino ang magpapasya sa paggamit ng mga likas na yaman ng bansa.

Kaugnay nito, iginiit ng grupo na dapat unahin ng pamahalaan ang makatarungang sahod, seguridad sa trabaho at pagkain, pagpapaunlad ng agrikultura at pambansang industriyalisasyon.

Hiniling din nitong igalang ang karapatan ng mga katutubo at iba pang pamayanang maaapektuhan ng mga proyektong pangkaunlaran, kabilang ang pagtiyak sa makabuluhang konsultasyon at pagkuha ng kanilang pahintulot bago ipatupad ang mga proyektong makaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno at likas na yaman.

Kinuwestiyon din ng CWS ang epekto sa mahihirap na sektor ng mga paghahanda para sa ASEAN Summit, partikular ang mga nagtitinda at manggagawang nawalan o naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang lugar at paghihigpit sa seguridad.

Bagama’t kinilala ng grupo ang pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansyal at mga food pack sa mga apektadong nagtitinda, iginiit nitong hindi sapat ang ayuda kung hindi matitiyak ang pagbabalik ng kanilang kabuhayan.

“The poor are people to be served, heard, and respected. They must never be treated as blemishes on a national image,” ayon kay Bishop Alminaza.

Hiniling din ng grupo ang malinaw na pagsisiwalat ng mga gastusin sa ASEAN Summit at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Hinimok dini ni Bishop Alminaza ang pamahalaan na isulong ang malaya at makatarungang ugnayang panlabas na nakabatay sa diplomasya, paggalang sa karapatang pantao at kapakanan ng mamamayan, sa halip na umasa sa kapangyarihan ng mga dayuhang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,206 total reads

 88,206 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 173,616 total reads

 173,616 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 237,457 total reads

 237,457 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 318,775 total reads

 318,775 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 397,655 total reads

 397,655 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top