Archbishop Uy, nagbabala sa patuloy na katiwalian, kawalan ng katarungan at pagpapabaya sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 881 total reads

Nagbabala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa patuloy na katiwalian, kawalan ng katarungan at pagpapabaya sa mahihirap, kasabay ng panawagan sa mga Pilipino na magbago habang may panahon pa.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo tungkol sa pagluha ni Hesus sa pagtanaw sa Jerusalem, ipinaliwanag ng arsobispo na hindi takot ang dahilan ng pagluha ni Hesus kundi ang pagmamahal sa Kanyang bayan na tumangging makinig sa Kanyang mga babala.

Ayon kay Archbishop Uy, batid ni Hesus ang nalalapit na pagkawasak ng Jerusalem, ngunit hindi kinilala ng mga mamamayan ang pagkakataong magbago at piliin ang landas tungo sa kapayapaan.

Binigyang-diin ng arsobispo na ipinakikita ng pangyayaring ito na nagmumula sa pagmamahal ng Diyos ang Kanyang mga babala. Tulad ng magulang na nag-aalala sa anak na nalilihis ng landas, patuloy na ginagabayan ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng Kanyang Salita, konsensiya at mga pangyayaring nagaganap sa paligid.

“God warns us through His Word, through our conscience, and sometimes through the suffering we see around us. But the question is: Are we listening? Second, our wrong choices have consequences,” ayon kay Archbishop Uy.

Ipinaalala rin niya na may kaakibat na bunga ang maling mga pasiya at gawain ng tao, gaya ng katiwalian, kasakiman, pandaraya at kawalan ng katarungan.

Hindi aniya maaaring nakawan ang kaban ng bayan habang umaasa sa pag-unlad ng bansa, pagsamantalahan ang mahihirap habang naghahangad ng kapayapaan, at sirain ang kalikasan nang hindi haharap sa mga magiging epekto nito.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na hindi lamang mga pulitiko ang dapat managot sa ganitong kalagayan kundi ang bawat mamamayan.

“And this warning is not only for politicians. It is for all of us,” giit pa ng arsobispo.

Kabilang sa kanyang panawagan ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon, paghingi ng tawad sa mga nasaktan, pagbabahagi sa mga nangangailangan, pagtangging makilahok sa katiwalian at pagtulong sa mga taong dumaranas ng paghihirap.

Hinamon din ng arsobispo ang mga Pilipino na suriin ang kanilang pananampalataya at pamumuhay, lalo na kung tunay na naisasabuhay ang pagiging Kristiyano sa harap ng patuloy na katiwalian, kasakiman at kawalan ng katarungan sa bansa.

Dagdag pa ng arsobispo, “Let me end with a question. If Jesus were to look at the Philippines today, would He smile or would He weep? Would He weep because we call ourselves a Christian nation, yet many of us continue to tolerate dishonesty, corruption, and injustice? Would He weep because so many are suffering while others refuse to share?”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 95,778 total reads

 95,778 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 181,161 total reads

 181,161 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 245,000 total reads

 245,000 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 325,377 total reads

 325,377 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 403,966 total reads

 403,966 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top