10,749 total reads
Hindi hadlang ang kabiguan upang muling sumubok, kundi ang takot na kumilos dahil baka muli tayong mabigo. Bawat araw ay panibagong pagkakataong ipinagkakatiwala sa atin ng Panginoon upang gamitin ang ating mga kakayahan at mamunga sa buhay. Huwag hayaang ibaon ng takot ang mga biyayang ipinagkaloob Niya sa iyo. Kung may tiwala ang Panginoon sa kakayahan mong lumago, matuto ka ring magtiwala sa Kanya at sa sarili mo. Mas mabuting sumubok nang may pananampalataya kaysa mabuhay sa panghihinayang na hindi mo man lang sinubukan.




