Prison Ministry Pastoral Outreach Service, itinatag ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,983 total reads

Sa pamamagitan ng isang kautusang inilabas noong November 25, itinatag ni Pope Leo XIV ang Prison Ministry Pastoral Outreach Service upang mas maayos na maiugnay at mapalakas ang pagkalinga ng Simbahan sa mga bilanggo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Papalitan nito ang International Commission of Catholic Prison Pastoral Care na itinatag noong 1950.

Ilalakip ang bagong tanggapan sa Dicastery for Promoting Integral Human Development at pangungunahan ni Archbishop Jorge Ignacio García Cuerva ng Buenos Aires, Argentina, na itinalaga ni Pope Leo sa loob ng limang taon.

Layunin ng bagong tanggapan na gabayan at sanayin ang mga pastoral worker na naglilingkod sa mga bilanggo, palakasin ang pagtutulungan ng mga lokal na Simbahan at kumilos kasama ang mga institusyon ng pamahalaan para sa makataong pagtrato sa mga nakakulong.

“Recognizing the face of the Lord in the most forgotten peripheries of the world is a constant challenge, to which the People of God are called to offer ever-new and up-to-date responses,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Binigyang-diin ng Santo Papa na hindi dapat ihiwalay ang paglilingkod sa mga bilanggo sa pangkalahatang misyon ng Simbahan. Aniya, walang sinuman ang dapat ituring na hindi karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos, anuman ang kanilang nakaraan, pagkakamali at pinagdaraanan.

Paliwanag pa ni Pope Leo, “Prison ministry is not separate from the overall evangelizing mission of the Church,” the Pope writes. “In a world marked by injustice, which lies at the root of social evils, the problem of prisons is a problem for society as a whole.”

Nakatuon ang bagong ministeryo sa mga salita ni Hesukristo sa Ebanghelyo ni San Mateo: Dinalaw ninyo ako noong ako ay nasa bilangguan.

Ayon kay Pope Leo, ang pagkilala kay Kristo sa mga bilanggo at sa mga taong madalas nakalilimutan ng lipunan ay hamon sa buong Simbahan.

Iginiit pa ng pinunong pastol na ang usapin ng mga bilangguan ay hindi lamang problema ng mga nakakulong kundi ng buong lipunan, lalo na kung nag-uugat ito sa kawalan ng katarungan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 57,346 total reads

 57,346 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 99,895 total reads

 99,895 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 215,675 total reads

 215,675 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 336,254 total reads

 336,254 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 381,294 total reads

 381,294 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top