Mindanao Bishop, nagpapasalamat sa mga tumulong sa lumikas na residente ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Naniniwala si Prelature of Marawi Bishop Edwin Dela Peña na makabubuti para sa mga residente ng Marawi City na lumikas sa lungsod at magtungo sa mga karatig bayan malayo sa labanan.

Ayon sa Obispo, mas makabubuti para sa mga residente na lumayo sa sentro ng lungsod upang maiwasang maipit sa labanan ng tropa ng pamahalaan at teroristang grupong Maute.

Kaugnay nito nagpaabot rin ng pasasalamat ang Obispo sa mga taus-pusong tumutulong sa mga residenteng nagsisilikas sa siyudad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga tubig at pagkain.

“It’s good, that people are getting out of Marawi. Marami ang pumupunta ngayon sa Iligan in fact very heavy ang traffic going to Iligan. It took an hour or so to travel to Iligan na abot ng minsan 12-oras, 10-hours, 7 etc. very heavy traffic. Talagang marami yung iba nga e naglalakad na lang but along the way marami din naman nagbibigay sa kanila ng pagkain, refreshments along the way…”pahayag ni Bishop Edwin Dela Peña sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, inihayag ng Obispo na patuloy pa rin ang kanilang pag-antabay at pagbabantay para sa mga opisyal na impormasyon at detalye matapos ang tatlong araw mula ng magsimula ang bakbakan sa Marawi.

Bukod sa 9 na Kristiyanong una nang pinaslang ng Maute group ay dinukot ng grupo si Fr. Chito Suganob na siyang Vicar General ng Prelatura ng Marawi at ilan pang parishioner ng St. Mary’s Cathedral noong ika-23 ng Mayo.

“Hanggang sa ngayon, day 3 naghihintay pa rin kami. Wala pa rin kami natatanggap na pormal, opisyal. We’re getting fillers, some are very positive but we need to get it from the source kailangang verified ang mga natatanggap natin na mga reports…”pahayag ni Bishop Edwin Dela Peña.

Kaugnay nito, kaligtasan naman ng mga bihag at residente ang panalangin at panawagan ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa tala ng National Grid Corporation of the Philippines, 8-bayan sa Lanao Del Sur at 60-porsiyento ng Marawi City ay walang kuryente sa kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,773 total reads

 125,773 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,831 total reads

 262,831 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,607 total reads

 378,607 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,873 total reads

 493,873 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top