DSWD, nagsasagawa ng psycho-social interventions sa Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,451 total views

Nagsasagawa na ng Psycho-social interventions ang Department of Social Wefare and Development para sa mga batang naapektuhan ng giyera sa Marawi City.

Kaisa ang mga Non-government Organizations at Faith-based groups nanawagan si Welfare Secretary Judy Taguiwalo sa iba pang medical groups na tulungan sila sa pagsasagawa ng stress debriefing lalo na sa mga batang nakasaksi ng malagim na pangyayari sa Mawari.

Ayon kay Taguiwalo, malaki ang bilang ng mga bata, at kabataan sa bawat evacuation centers sa Iligan City, Cagayan de Oro at Cotabato City kaya naman nangangailangan pa sila ng iba pang medical volunteers.

“Malaki ang bilang ng mga bata na apektado ng mga operasyong militar ng AFP laban sa Maute group. Sila ngayon ay nasa iba’t-ibang evacuation center sa Cagayan de Oro, Iligan, at Cotabato City. Kailangan nila ang tulong para maunawaan nila ang sitwasyong kanilang dinaranas,” pahayag ni Taguiwalo.

Sa pag-aaral ng World Psychiatric Organization, pinaka naaapektuhan sa lahat tuwing mayroong digmaan ang mga kababaihan, mga bata, at mga matatanda.

Dagdag pa nito, kung hindi maaagapan ay maaaring mauwi sa mental disorder ang traumang dala ng giyera sa isipan ng mga bata.

Nitong nakaraang araw una nang nakapagbigay ng therapy sessions ang mga grupong Community and Family Services International, Franciscan Order of Friars Minor, United Church of Christ in the Philippines at Philippine Red Cross sa 523 mga bata sa iba’t ibang evacuation centers.

Samantala, nakapagbigay na rin ng stress debriefing ang Department of Health sa 487 kababaihan at kalalakihan sa iba pang evacuation areas.

Matatandaang ayon sa panlipunang katuruan ng simbahan, walang sinuman ang nagwawagi sa digmaan dahil, nagiiwan lamang ito ng labis na pangamba at kapighatian sa puso ng bawat biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 28,552 total views

 28,552 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 50,557 total views

 50,557 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 74,899 total views

 74,899 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 98,553 total views

 98,553 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,201 total views

 132,201 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,730 total views

 302,730 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top