Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi dapat manalo ang kasamaan

SHARE THE TRUTH

 269 total views

Hindi dapat hayaan ng taumbayan na manalo ang kasamaan sa pamamagitan ng pagpapadala sa takot at banta ng mga may masasamang intensyon laban sa bayan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi dapat bumitaw ang sambayanan sa pag-asang hatid ng Panginoon sa bawat isa.

Giit ng Obispo, hindi dapat na panghinaan at mawalan ng pag-asa ang mga mamamayan sa gitna ng mga kaguluhan at kasalukuyang banta sa kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Pagbabahagi pa ni Bishop Pabillo, ang Eukaristiya ang paalala at sagisag ng patuloy na pag-aalay ng Panginoon ng kanyang buhay para sa kaligtasan at kapakanan ng sangkatauhan.

“Kaya nga huwag tayong ma-discourage, huwag tayong maniwala na dahil sa kaguluhan mananalo ang kasamaan naalala niyo ang sinabi ni Hesus na hindi tayo pababayaan at ganun din sa ating pagtatanggap ng banal na kumunyon ipagdasal natin ang kapayapaan at si Hesus na nagbigay ng kanyang sarili ay hindi rin ipagkakait sa atin ang kapayapaang hinahangad natin kapag ito’y sinisikap natin gawin at sinisikap nating tanggapin…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito nauna nang umapela sa publiko ang Malacañang at ang Armed Forces of the Philippines para sa pansamantalang pagsasantabi ng usaping pampulitika at pagkakaisa laban sa terorismo na isang malaking banta para sa buong bansa.

Gayunpaman bukod sa kalagayan ng mga apektadong residente ay patuloy rin na panalangin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa kaligtasan at kalayaan ng lahat ng mga binihag ng teroristang grupo kabilang na si Fr. Chito Suganob na siyang Vicar General ng Prelatura ng Marawi na dinukot matapos lusubin ang Bishops’ residence sa Marawi City.

Unang hinikayat ni CBCP-NASSA/Caritas Philippines chairman Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang taumbayan na huwag magpatakot sa terorismo.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-magpatakot-sa-terorismo/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 4,161 total views

 4,161 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 15,645 total views

 15,645 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 31,334 total views

 31,334 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 32,183 total views

 32,183 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 42,234 total views

 42,234 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 6,656 total views

 6,656 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 5,208 total views

 5,208 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top