Pagsira ng BIFF sa consecrated hosts at religious images, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 797 total reads

Mga basag na imahe ng mga poon at nagkalat na mga ‘consecrated host’.

Ito ang iniwanag pinsala ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pumasok sa San Jose Chapel sa Barangay Malakagit, Pigkawayan North Cotabato.

Ayon kay Father Dominic Villa, parish priest ng San Blas Parish sa Pigkawayan at in-charge sa chapel ng barangay, nadatnan niya ang mga basag na imahe at nagkalat na mga ostiya sa loob ng kapilya.

Inihalimbawa ng pari ang kawalang paggalang ng BIFF sa ginawang paglapastangan ng Maute Group sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi city na binasag ang mga imahe ng santo maging ang tabernakulo kung saan nakalagay ang mga concecrated host.

“Just like what they did in Marawi church. Sinira ang mga statues at consecrated hosts sa tabernacle,” ayon kay Fr. Villa.

Kinondena naman ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang ginawa ng mga bandido lalo na sa mga ‘sacred hosts’ na para sa mananampalataya na may 500 parishioners ng Malagakit chapel.

“As the leader of the Archdiocese of Cotabato, I condemn in the strongest terms possible the wicked desecration of the Catholic Chapel of Malagakit in the parish of Pigcawayan and most especially of the Sacred Hosts that were kept there for the Catholic faithful. These are irreligious acts that cry out to heaven. Such acts are similar to the desecration of a mosque and the sacred Qur’an by non-Muslims. Both desecrations are gravely sinful. If the BIFF wants to have an image as a respecter of all religions, it must punish its members who perpetrated the odious desecration in Malagakit and educate all its members in strictly respecting other religions. I enjoin the Catholic faithful of Malagakit to restore the sacredness of their chapel and ask all the faithful of the Archdiocese to pray for peace and harmony among all believers of different religions,” bahagi ng statement ni Cardinal Quevedo.

Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Villa, hindi pa rin pinapayagan na manatili ang mga residente sa kanilang mga bahay habang patuloy ang pagtugis ng militar sa mga tumakas na miyembro ng BIFF.

Sa ulat, apat mula sa 40 barangay sa Pigcawayan ang naapektuhan ng ginawang paglusob ng BIFF kung mahigit sa 500 residente ang nagsilikas at kasalukuyan nasa evacuation center sa munisipyo ng Pigcawayan at mga bahay ng kanilang mga kamag-anak.

Ang Pigkawayan, North Cotabato ay may kabuuang 60 libong populasyon.

Sinabi ng pari na hindi ito ang unang pagkakataon na nilusob ang kanilang lugar ng mga armadong grupo.

Aniya ang unang insidente ay naganap noong 2014 ng Disyembre kung saan ilang residente rin ang mga binihag na kalaunan ay pinalaya rin.

Sa kasalukuyan, nangangamba ang pari sa kakaibang ideolohiya ng mga bandido na may impluwensya na ng Islamic State.

Una na ring binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang obligasyon ng bawat isa na iwaksi ang mga paglabag sa karangalan ng tao, karahasan at paglapastangan na ginagamit pa ang relihiyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,330 total reads

 10,330 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,722 total reads

 65,722 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,087 total reads

 151,087 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,824 total reads

 197,824 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,696 total reads

 245,696 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,423 total reads

 346,423 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top