Cardinal Tagle, pinangunahan ang funeral mass ni Bishop Tumulak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total views

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang funeral mass para sa yumaong Bishop Leopoldo Tumulak ng Military Ordinariate of the Philippines.

Isinagawa ang misa sa St. Ignatius Cathedral Camp Aguinaldo, Quezon City na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at mga kaaanak ng namayapang Obispo.
Sinabi Cardinal Tagle na nagkaroon siya ng pagkakataon na madalaw si Bishop Tumulak sa pagamutan na tila namamaalam na at nabanggit ng Obispo na natapos na niya ang ilang benepisyong nararapat para sa clergy ng military diocese.
Sa isang simpleng seremonya, naging masaya ang pagtitipon nang ikuwento ni Cardinal Tagle ang kanilang maigsing pag-uusap ni Bishop Tumulak habang nakaratay sa pagamutan.

Sinabi ni Cardinal Tagle na hindi nawawala sa Obispo ang kaniyang pagmamahal, pagiging totoo at pagiging payak. “Sabi niya sa akin, your Eminence kung ano man ang mangyari sa akin, I have tried my best to secure the clergy, the Military Odinariate, the medical and insurance they need. Kahit papaano may nasimulan na diyan,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle ang kahilingan ni Bishop Tumulak na magpa-picture sila kasama ang kaniyang pamilya. “He said Your Eminence, can I have a favor nandito ang family ko puwede po bang magpapicture-taking. (nagkatawanan) On that note I said, wow! If this is goodbye, he did not lost his sense of humanity and his sense of humor even,” kuwento pa ni Cardinal Tagle.
Ang labi ni Bishop Tumulak ay dadalhin sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus Pasay City para ihimlay sa kaniyang huling hantungan.

Dumalo rin sa funeral mass ang mga Obispo mula sa Ecclesiastical province of Manila na sina Bishops Honesto Ongtioco ng Cubao, Pablo Virgilio David ng Caloocan, Antonio Tobias, Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr.; Reynaldo Evangelista ng Imus; Broderick Pabillo ng Manila; sa Luzon na sina Archbishop Socrates Villegas at Bishop Elmer Mangalinao ng Lingayen-Dagupan; sa Visayas sina Archbishop Jose Palma at Bishop Dennis Espejo ng Cebu; Bishop Crispin Varquez ng Borongan; at mula sa Mindanao Arcbishops Romulo Dela Cruz ng Zamboanga; Martin Jumoad ng Ozamiz, at Romulo Valles ng Davao.
Si Bishop Tumulak ay namayapa sa sakit na pancreatic cancer noong Sabado, June 17 sa edad na 72.
Ang Obispo ay tubong Santander, Cebu. Inordinahan bilang pari noong 1972 at itinalagang Obispo noong 1987. Siya rin ay naitalagang Obispo ng Tagbilaran Diocese noong 1992.

Si Bishop Tumulak ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care at dating chairman ng CBCP-Episcopal Committee on the Cultural Heritage of the Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,736 total views

 49,736 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,605 total views

 45,605 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,807 total views

 81,807 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,449 total views

 90,449 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,569 total views

 115,569 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top