Tiyakin ang seguridad ng mga paaralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 656 total reads

Nanawagan ang Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga paaralan sa bansa mula sa pag-atake ng mga bandido lalu na sa bahagi ng Mindanao region.

Ayon kay TDC National Chairman Benjo Basas, tila nagiging target ngayon ng mga bandidong grupo ang mga paaralan na walang kakayahan para lumaban.

Ang TDC ay may kabuuang higit sa limang libong miyembro sa Mindanao.

Hinimok ni Basas ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro at estudyante, lalu na sa mga malalayong lugar.

“Kung matitiyak po ng ating gobyerno na ang ating mga paaralan ay secured, ibig sabihin sa ‘allowable distance’ naman puwede nating sabihin na nandyan merong nagbabantay me mga tao na masasabi natin na madedepensahan yung sanctity at neutrality ng ating school , why not,” paliwanag ni Basas sa panayam ng Radio Veritas.

Giit ni Basas, ang mga grupo tulad ng Bangsamoro Islamic Fighter (BIFF), Maute Group, Abu Sayyaf at iba pa ay hindi kabilang sa mga rebeldeng grupo na nakakausap ng pamahalaan para sa kapayapaan at hindi gumagalang sa international humanitarian laws o ang mga nakatalagang peace zone tulad ng paaralan.
Sa paglusob ng mga bandido sa Marawi City, kabilang sa sinalakay ng Maute Group ang Mindanao State University, Ninoy Aquino School at Dansalan College. Habang kamakailan lamang ay pinasok din ng BIFF ang Sisimsan Elementary School at High School at ang Malagakit Elementary School sa North Cotabato.

Kaugnay nito, umapela si Department of Education (DepEd) Assistant secretary Tonisito Umali sa mga paaralan sa buong Pilipinas na malugod na tanggapin ang mga mag-aaral na apektado ng nangyayaring gulo sa Marawi City.

Hiling ni Umali sa pamunuan ng mga paaralan na bigyang–prayoridad ang mga transferee students mula sa Mindanao at protektahan ang mga ito mula sa anumang diskriminasyon o pang-aapi dahil lamang sa kanilang pinanggalingan.

Sa tala ng DepEd-ARMM, umabot na sa mahigit 8,000 sa 22,000 estudyante sa Marawi ang nakapagpatala sa iba’t-ibang eskwelahan sa rehiyon kung saan 3,000 rito ay kasalukuyan pumapasok sa mga paaralan sa Iligan City habang ang tinanatayang 2,500 ay nag-aaral na sa Lanao Del Norte.

Binibigyang pagpapahalaga ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan dahil dito nahuhubog ang kaisipan tungo sa pagiging mabuting mamamayan ng lipunan, kaya’t labis-labis din ang panawagan ng Santo Papa para sa kapayapaan sa buong mundo na ang pangunahing mga biktima ay mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 10,305 total reads

 10,305 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 34,376 total reads

 34,376 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 70,877 total reads

 70,877 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 291,501 total reads

 291,501 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 325,568 total reads

 325,568 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 234,006 total reads

 234,006 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 368,664 total reads

 368,664 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top