Hindi iba sa atin ang mga kapatid nating Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total views

Mga Kapanalig, may mungkahi ang mga kapulisan at militar sa Gitnang Luzon na magpatupad ng isang ID system para sa mga Muslim na tutungo o maninirahan sa mga probinsyang sakop ng rehiyong iyon. Mapipigilan umano nito ang sinumang may kaugnayan sa Islamic State o anumang radikal na grupo na gumawa ng masama. Sa katunayan, ipinatutupad na ito sa bayan ng Paniqui sa Tarlac, at ipinagmalaki ng isang regional director ng Philippine National Police na positibo ang resulta ng nasabing sistema.

Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights o CHR ang nasabing hakbang. Paliwanag ng komisyon, isang porma ng diskriminasyon ang isang ID system na nakatuon sa isang grupo o sektor lamang. Inihihiwalay daw ng ganitong sistema ang mga Muslim mula sa kabuuan ng lipunan batay sa kanilang relihiyon. Ayon naman sa grupong Human Rights Watch, nilalabag ng pagkakaroon ng hiwalay na ID para sa mga Muslim ang kanilang karapatan gaya ng karapatan sa pantay na pangangalaga sa ilalim ng batas (o equal protection of the law) at kalayaang kumilos at lumipat sa isang lugar (o freedom of movement).

Isang mambabatas rin ang tutol sa mungkahing ID system para sa mga Muslim, kahit pa man limitado ito sa isang rehiyon. Sa halip na ID para sa mga Muslim, ang kinakailangan daw ay national ID system para sa lahat, hindi lamang upang makamit ang mga serbisyo ng pamahalaan ngunit upang maging mabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng matitinding krisis katulad ng nagaganap ngayon sa Marawi. Kung maisasabatas ang mga panukalang ito, magkaroon ng isang ID na lamang sa bawat Pilipino, gaya ng ipinatutupad sa maraming bansa. Bagamat iniiwasan ng national ID system ang diskriminasyon, kailangan pa rin itong pag-aralang mabuti upang maproteksyunan ang ating mga personal na impormasyon.

May mga natanggap tayong kuwento mula sa Marawi na noong mga unang araw ng malawakang paglikas, hirap ang mga kinauukulan na i-profile ang mga inilalabas mula sa lungsod patungo sa mas ligtas na mga bayan dahil marami sa mga taga-roon ang walang maipakitang ID o anumang dokumentong magpapatunay na sila ay taga-Marawi. Sa kasong ito, makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligal na pagkakakilanlan. Subalit, kung ang layunin ng pagkakaroon ng ID ay upang “markahan” ang mga mamamayan batay sa kanilang relihiyon, inihihiwalay natin sila; sa Ingles, tinatawag itong “othering.” At hindi kailanman mainam na may mga taong ginagawa nating “iba” sa mas nakararami dahil dito nagmumula ang diskriminasyon at hindi makatarungang pagturing sa ating kapwa.

Sa isang pahayag noong nakaraang linggo, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na sa kabila ng mga nangyayaring kaguluhan gaya sa Marawi, huwag nating kailanman isiping ang pagkakawatak-watak at pagkakahati-hati natin bilang isang bayan ay plano ng ating Panginoon. Ang mga ito ay bunga ng kasalanan. Ano ang kasalanan nating mga hindi taga-Marawi sa dinaranas ng mga kapatid nating Maranaw? Ito po, mga Kapanalig, ay nagkaugat sa napakahabang panahon ng pagsasantabi natin sa kanila, sa paglimot sa kanilang kapakanan, sa pagturing natin sa kanilan bilang “iba” sa mas nakararaming Pilipino. Kaya’t paalala ni Archbishop Soc, huwag tayong mahulog sa bitag ng kawalang pakialam sa dinaranas ng ating kapwa, katulad ng mga kababayan nating naiipit sa gulo sa Marawi. Huwag nating hayaang magpatuloy ang diskriminasyon sa mga kapatid nating Muslim sa pamamagitan ng pagpapatuad ng isang ID system na layuning bantayan ang bawat kilos nila.

Mga Kapanalig, hindi ang pagkakaroon ng isang pirasong papel ang magpapatunay na ang mga Muslim ay bahagi ng ating lipunan. Sa paparamdam natin na hindi sila iba sa atin, bumubuo tayo ng tulay na makapag-uugnay na atin sa halip na pader na nagtataboy sa ating kapwa.
Sumainyo ang katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 5,896 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 6,002 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 64,192 total views

 64,192 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 134,644 total views

 134,644 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 165,926 total views

 165,926 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 197,941 total views

 197,941 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 346,842 total views

 346,842 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 64,193 total views

 64,193 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 134,645 total views

 134,645 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 165,927 total views

 165,927 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 197,942 total views

 197,942 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top