Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FASTCHECK

SHARE THE TRUTH

 229 total views

Nitong ika-8 ng Hulyo, naghalal ang mga Obispo ng mga bagong mamumuno sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Nahalal sina Bishop Romulo Valles ng Davao bilang Pangulo at Bishop Pablo David ng Kalookan bilang Pangalawang Pangulo. Ating kilalanin sila.

Most Reverend ROMULO GEOLINA VALLES, DD
Kasalukuyang Arsobispo ng Akdiyosesis ng Davao

Inordenahan sa pagka-pari noong ika-6 ng Abril taong 1976 sa Tagum City at inordenahan bilang Obispo noong ika-6 ng Agosto 1997.
Ipinanganak sa Maribojoc, Bohol noong ika-10 ng Hulyo, 1951, si Bishop Valles ay nagtapos ng AB Philosophy at Theology sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary sa Davao City. Kumuha rin siya ng kursong Licentiate in Sacred Theology mula sa Pontificio ateneo Sant’ Anselmo sa Roma at Master of Arts in Religious Education sa Ateneo de Davao University.
Siya ay hinalal bilang Obispo ng Arkdiyosesis ng Davao noong ika-11 ng Pebrero, 2012 at pormal na itinalagang Obispo ng nasabing Arkdiyosesis noong ika- 22 ng Mayo, 2012.
Bago manungkulan sa Davao, siya ay hinalal na Obispo ng Diyosesis ng Kidapawan noong Ika-24 ng Hunyo, 1997, at Arsobispo naman ng Arkdiyosesis ng Zamboanga noong ika-13 ng Nobyembre, 2006.

Most Reverend PABLO VIRGILIO SIONGCO DAVID, DD
Kasalukuyang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan

Inordenahan sa pagka-pari noong ika-12 ng Marso, 1983 at bilang Obispo noong ika-10 ng Hulyo, 2006.
Kilala sa tawag na “Bishop Ambo”, siya ay ipinanganak sa Betis, Guagua, Pampanga noong ika-2 ng Marso, 1959. Pumasok sa Mother of Good Counsel Seminary sa San Fernando, Pampanga noong 1970 at sa San Jose Seminary noong 1974. Si Bishop Ambo ay kumuha ng mga kursong Master of Arts in Theology mula sa Loyola School of Theology sa Pamantasan ng Ateneo de Manila, Licentiate in Sacred Theology at Doctorate in Sacred Theology sa Catholic University of Louvain sa Belgium.
Siya ay pormal na itinalagang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan noong ika-2 ng Enero, 2016. Bago manungkulan sa nasabing Diyosesis, siya ay hinalal bilang Titular Bishop ng Guardialfiera at Auxiliary Bishop ng San Fernando Pampanga.
Ang iba pang mga naitalagang opisyal ng CBCP ay ang mga sumusunod:

Ingat-Yaman: Abp. John F. Du
Kalihim-Pangkalahatan : Fr. Marvin S. Mejia

Mga Kinatawang Pang-Rehiyon:

Luzon
North : Abp. Marlo M. Peralta
Central : Bp. Ruperto C. Santos
South : Bp. Jose R. Rojas
Southeast : Bp. Victor C. Ocampo
Southwest : Bp. Reynaldo G. Evangelista

Visayas
East : Bp. Isabelo C. Abarquez
West : Abp. Jose F. Advincula

Mindanao
North : Abp. Martin S. Jumoad
South : Abp. Romulo T. dela Cruz

Source: http://cbcpnews.net/cbcpnews/newly-elected-cbcp-officers/

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,153 total views

 29,153 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,870 total views

 40,870 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,703 total views

 61,703 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,126 total views

 78,126 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,360 total views

 87,360 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 10,321 total views

 10,321 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 10,339 total views

 10,339 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Ligtas at disenteng pabahay para sa mga Filipino

 8,173 total views

 8,173 total views Ito ang misyong tutuparin ng BALAI Filipino o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities Program ng administrasyong Duterte. Sa tulong ng

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Church bells toll against EJK

 8,114 total views

 8,114 total views To:  Archdiocesan Clergy, Religious Communities, Lay Leaders, and Parishioners From: Abp. A. Ledesma, SJ For whom De Profundis church bells toll On this

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top