Panuntunan ng CBCP laban sa COVID-19 sa Holy Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,478 total views

Nagpalabas ng karagdagang panuntunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga gawain sa kuwaresma at semana santa bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng corona virus disease (COVID 19).

Ito rin ay batay sa rekomendasyon ni CBCP – Episcopal Commission on Liturgy Executive Secretary Rev. Fr. Genaro Diwa alinsunod sa kautusan ng World Health Organization.

Sa Miyerkules ng Abo, sa halip na ipahid ito sa noo ng mananampalataya ay ibubudbod na lamang ito sa ulo kasabay ng pag-usal ng mga panalangin batay sa nasasaad sa General Instruction of the Roman Missal.

Paliwanag ng CBCP na sa binyag, pinahiran ng langis sa ulo ang mananampalataya, kung kaya’t ang paglalagay ng abo sa ulo ay tanda ng pagbabalik loob na nakabatay sa lumang tradisyon ng Simbahan.

Sa Biyernes Santo naman ay hinimok ang mananampalataya na mag-genuflect na lamang at mag-bow sa harapan ng krus sa halip na humalik o humawak pa dito.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan ang ilang diyosesis tulad ng Caloocan at Cubao bilang pag-iingat sa mamamayan laban sa COVID 19.

Patuloy pa rin ang paalala ng Simbahan sa sa mananampalataya sa pagpapanibago sa buhay kristiyano sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga corporal works of mercy.

Ang mga ipatutupad ng pag-iingat ng simbahan sa banta ng COVID 19 ay bahagi ng kawanggawa kung saan iniingatan lamang ang kalusugan ng mamamayan.(Norman Dequia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,519 total views

 14,519 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,524 total views

 36,524 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,866 total views

 60,866 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,830 total views

 84,830 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,551 total views

 119,551 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 18,089 total views

 18,089 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,161 total views

 235,161 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top