Ligtas at disenteng pabahay para sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,324 total views

Ito ang misyong tutuparin ng BALAI Filipino o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities Program ng administrasyong Duterte.

Sa tulong ng mga key shelter agencies sa bansa partikular na ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), PAG-IBIG FUND, Home Guaranty Corporation, Housing and Land Use Regulatory Board, National Housing Authority at Social Housing Finance Corporation, layunin ng BALAI Filipino Program na makapagbigay ng mura ngunit komportableng tirahan para sa lahat ng nangangailangan nito.

Ayon kay Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito, chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, hindi lamang simpleng pabahay ang nasa likod ng 10-year national housing strategy na ito ng administrasyon kundi isang ligtas na komunidad para sa mamamayan.

“We want to build township, we want to build communities – yun ang dapat. Kapag may gagawin kang housing program hindi para lamang may masabing may magawa eh ang nangyayari walang tumutira. Ngayon ang gusto natin, yung talagang livable, disente at maayos na pabahay ang ipapamahgi natin,” pahayag ng senador.

Layunin din ng inilunsad na programa na makipagsanib-pwersa sa mga pribadong sektor na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagtupad ng adhikaing bigyan ng masisilungan ang mahihirap na Filipino na kanilang pagmamay-ari.

Tiniyak ni HUDCC Chairperson Eduardo Del Rosario na dumaan sa masusing konsultasyon ang BALAI Filipino upang matiyak na dekalidad at pasado sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ang kanilang titirhang bahay.

Target ng BALAI Filipino na makapagpatayo ng 250-libong housing units kada taon, higit na mas malaking bilang kung ikukumpara sa taunang itinatatayong pabahay sa bansa na umaabot sa 172-libo.

Sinasabing kakayanin rin ng mga itatayong bahay ang 7.2 magnitude na lindol at bugso ng hangin na may lakas na 250 kilometro kada oras.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkalinga sa mahihirap sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng maayos na tirahan at huwag silang balewalain ng estado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 10,291 total views

 10,291 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 32,296 total views

 32,296 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 56,638 total views

 56,638 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 80,711 total views

 80,711 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 115,811 total views

 115,811 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 17,739 total views

 17,739 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 234,920 total views

 234,920 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top