VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi iba sa atin ang mga kapatid nating Muslim

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Mga Kapanalig, may mungkahi ang mga kapulisan at militar sa Gitnang Luzon na magpatupad ng isang ID system para sa mga Muslim na tutungo o maninirahan sa mga probinsyang sakop ng rehiyong iyon. Mapipigilan umano nito ang sinumang may kaugnayan sa Islamic State o anumang radikal na grupo na gumawa ng masama. Sa katunayan, ipinatutupad na ito sa bayan ng Paniqui sa Tarlac, at ipinagmalaki ng isang regional director ng Philippine National Police na positibo ang resulta ng nasabing sistema.

Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights o CHR ang nasabing hakbang. Paliwanag ng komisyon, isang porma ng diskriminasyon ang isang ID system na nakatuon sa isang grupo o sektor lamang. Inihihiwalay daw ng ganitong sistema ang mga Muslim mula sa kabuuan ng lipunan batay sa kanilang relihiyon. Ayon naman sa grupong Human Rights Watch, nilalabag ng pagkakaroon ng hiwalay na ID para sa mga Muslim ang kanilang karapatan gaya ng karapatan sa pantay na pangangalaga sa ilalim ng batas (o equal protection of the law) at kalayaang kumilos at lumipat sa isang lugar (o freedom of movement).

Isang mambabatas rin ang tutol sa mungkahing ID system para sa mga Muslim, kahit pa man limitado ito sa isang rehiyon. Sa halip na ID para sa mga Muslim, ang kinakailangan daw ay national ID system para sa lahat, hindi lamang upang makamit ang mga serbisyo ng pamahalaan ngunit upang maging mabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng matitinding krisis katulad ng nagaganap ngayon sa Marawi. Kung maisasabatas ang mga panukalang ito, magkaroon ng isang ID na lamang sa bawat Pilipino, gaya ng ipinatutupad sa maraming bansa. Bagamat iniiwasan ng national ID system ang diskriminasyon, kailangan pa rin itong pag-aralang mabuti upang maproteksyunan ang ating mga personal na impormasyon.

May mga natanggap tayong kuwento mula sa Marawi na noong mga unang araw ng malawakang paglikas, hirap ang mga kinauukulan na i-profile ang mga inilalabas mula sa lungsod patungo sa mas ligtas na mga bayan dahil marami sa mga taga-roon ang walang maipakitang ID o anumang dokumentong magpapatunay na sila ay taga-Marawi. Sa kasong ito, makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligal na pagkakakilanlan. Subalit, kung ang layunin ng pagkakaroon ng ID ay upang “markahan” ang mga mamamayan batay sa kanilang relihiyon, inihihiwalay natin sila; sa Ingles, tinatawag itong “othering.” At hindi kailanman mainam na may mga taong ginagawa nating “iba” sa mas nakararami dahil dito nagmumula ang diskriminasyon at hindi makatarungang pagturing sa ating kapwa.

Sa isang pahayag noong nakaraang linggo, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na sa kabila ng mga nangyayaring kaguluhan gaya sa Marawi, huwag nating kailanman isiping ang pagkakawatak-watak at pagkakahati-hati natin bilang isang bayan ay plano ng ating Panginoon. Ang mga ito ay bunga ng kasalanan. Ano ang kasalanan nating mga hindi taga-Marawi sa dinaranas ng mga kapatid nating Maranaw? Ito po, mga Kapanalig, ay nagkaugat sa napakahabang panahon ng pagsasantabi natin sa kanila, sa paglimot sa kanilang kapakanan, sa pagturing natin sa kanilan bilang “iba” sa mas nakararaming Pilipino. Kaya’t paalala ni Archbishop Soc, huwag tayong mahulog sa bitag ng kawalang pakialam sa dinaranas ng ating kapwa, katulad ng mga kababayan nating naiipit sa gulo sa Marawi. Huwag nating hayaang magpatuloy ang diskriminasyon sa mga kapatid nating Muslim sa pamamagitan ng pagpapatuad ng isang ID system na layuning bantayan ang bawat kilos nila.

Mga Kapanalig, hindi ang pagkakaroon ng isang pirasong papel ang magpapatunay na ang mga Muslim ay bahagi ng ating lipunan. Sa paparamdam natin na hindi sila iba sa atin, bumubuo tayo ng tulay na makapag-uugnay na atin sa halip na pader na nagtataboy sa ating kapwa.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 9,695 total views

 9,695 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 17,740 total views

 17,740 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 22,820 total views

 22,820 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,527 total views

 28,527 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 37,315 total views

 37,315 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 9,696 total views

 9,696 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 17,741 total views

 17,741 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 22,821 total views

 22,821 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,528 total views

 28,528 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 37,316 total views

 37,316 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,468 total views

 40,468 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,782 total views

 54,782 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,472 total views

 58,472 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,075 total views

 57,075 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,062 total views

 67,062 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,030 total views

 71,030 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,917 total views

 81,917 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,356 total views

 94,356 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,114 total views

 105,114 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,367 total views

 52,367 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top