Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Barangay at SK election, ituloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o P-P-C-R-V na nararapat na ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre ngayong taon para sa kapakanan at ikabubuti ng pamayanan.

Ayon kay Bro. Johnny Cardenas, PPCRV Vice chairman for Internal Affairs, ang Barangay ay ang pinakamaliit na unit ng pamahalaan na may direktang partisipasyon ang mga mamamayan kaya’t direkta ring nararamdaman ng mga residente ang serbisyo ng mga opisyal nito.

Paliwanag ni Cardenas, kung muling ipagpapaliban ang halalang pambarangay ay muli ring mapapalawig ang serbisyo ng mga kasalukuyang opisyal na una nang na-extend ang katungkulan matapos suspendihin ang naturang halalan noong nakalipas na taon.

“Mas magandang ituloy kasi ang Barangay is direct participation of the constituents. Ang features niyan kung hindi matutuloy, yung mga masama ang serbisyo na mga Barangay officials tuloy na naman sila, matagal na yung iba dyan, kaya dapat yan ituloy…”pahayag ni Cardenas sa Radio Veritas

Nauna nang binigyang diin ng P-P-C-R-V na nararapat magmula sa Barangay na itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamamahala sa bansa ang pagbabagong matagal ng hinahangad ng mga mamamayan sa pamamagitan ng ganap na pakikiisa sa mga programa at gawain sa barangay lalo na sa pakikilahok sa halalang pambarangay.

Matatandaang una nang ikinadismaya ng PPCRV ang mababang turn-out ng voter’s registration ng Commission on Elections para sa huling araw ng registration sa paghahanda sa SK at Barangay Elections sa buwan ng Oktubre.

Sa tala, umabot lamang sa 2,174,601 ang naitalang turn-out ng COMELEC para sa huling araw ng voter’s registration kumpara sa target nitong 2.5 milyong botante.

Buwan ng Obtubre taong 1991 ng opisyal na ilunsad ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na layunin maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 89,916 total views

 89,916 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 135,639 total views

 135,639 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 137,849 total views

 137,849 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 208,095 total views

 208,095 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 213,489 total views

 213,489 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 401 total views

 401 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top