OFWs sa Jordan, hinamong maging buhay na binhi ng salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total reads

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Overseas Filipino Workers o O-F-W sa ganap na pagbubukas ng Filipino Chaplaincy sa Jordan na pangungunahan ni Father Gerald Metal mula sa Diocese of Antipolo.

Sa pagpapasinaya ng Filipino Ministry, hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Filipino sa Jordan na maging buhay na binhi ng salita ng Diyos na magbubunga ng kabutihan.

Hinihiling ni Cardinal Tagle na masalamin nawa ng ibang lahi si Hesus sa mga Filipinong nagsasabuhay ng kanyang turo.

“Ang ating hamon po sa mga kapatid nating Filipino dito, paano ba natin tatanggapin ang salita ng Diyos para mamunga sa ating buhay. Pero tayo rin ay binhi na buhay ng salita ng Diyos na tinanim ng Diyos dito sa lupain ng Jordan, sana po ipanalangin natin sila para sila ay mamunga at makita sa kanila, sa kanilang pagsaksi sa salita ng Diyos, makita ng mga tao si Hesus ang salita ng Diyos na naging tao,”mensahe ni Cardinal Tagle na ibinahagi ni Father Metal sa Radio Veritas

Sa huling tala noong 2014, umaabot sa 29,515 ang mga Filipinong manggagawa sa Jordan kung saan 16,519 ang documented habang 12,996 naman ang undocumented workers.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mga Filipinong may kamag-anak na O-F-W na ipanalangin ang kanilang kaligtasan at pahalagahan ang kanilang paghihirap na iniaalay para sa kanilang pamilya.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na higit sa salapi at materyal na bagay na ipinadadala ng mga O-F-W sa kanilang pamilya ay taglay nila ang mukha ng bawat Filipinong dumaraan sa maraming pagsubok para mapabuti ang kalagayan ng mga mahal sa buhay.

“Sana po ay pahalagahan natin ang bunga ng kanilang pagpapagal, hindi lamang po pera o ang ating tinatanggap, hindi lamang po gamit ang kanilang pinadadala, lahat po yan ay bunga ng kanilang pagod, luha, lungkot, pawis, minsan pagkakasakit, kaya huwag po naman nating babalewalain, o kaya’y wawaldasin. May mukha po ang mga yan, mukha ng kapatid nating Filipino, na para sa ating lahat ay dumaraan sa napakaraming pagsubok, samahan po natin sila, ipanalangin natin sila, tayo pong lahat ay pagpalain ng mapagmahal na Diyos.” dagdag pa ng Kardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 71,348 total reads

 71,348 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 149,916 total reads

 149,916 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 183,364 total reads

 183,364 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 218,661 total reads

 218,661 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 442,283 total reads

 442,283 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,013 total reads

 38,013 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,899 total reads

 30,899 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top