Paglalaan ng pork barrel funds sa libreng matrikula sa SUC’s,suportado ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,463 total reads

Hinimok ni CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at Diocese of San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mga senador at kongresista na ilaan sa pagpopondo ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang kanilang 2018 pork barrel fund.

Ayon kay Bishop Mallari, kung magkakaisa ang mga mambabatas na ipaubaya ang kanilang Priority Development Assistance Fund ay magiging madali ang pagsasakatuparan ng nasabing programa.

“Mahalaga talaga na magtulungan ‘yung mga congressmen natin related kung papano ang magagawa na yung pork barrel nila ay mailagay sa maganda. At least may sigurado na pupuntahan talaga, yung free education ng nakakaraming mga kabataan natin,” panawagan ng Obispo.

Mababatid na hindi kasama sa panukalang 3.7 trilyong pisong 2018 national budget ang free education program na sinasabi ng Department of Budget and Management na pagkakagastusan ng 100-bilyong piso kada taon.

Kaugnay nito ay una nang inihayag ni Senate Committee on Finance Vice Chairman Panfilo Lacson at Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagbibigay ng kanilang pork barrel sa susunod na taon bilang suporta sa free education act, na ikinatuwa naman ni Bishop Mallari.

“Tayo ay natutuwa dito sa halimbawa na ipinakita sa atin nina Senator Lacson saka si Senator Sotto. Hiling natin na sana yung mga congressmen natin, hindi lamang siguro yung waiving kundi talagang upuan ito, pag-usapan ng mabuti. I hope they see yung dahilan why they should waive yung pork barrel nila and then I think they will easily be convinced,” ani ng Obispo.

Layunin ng bagong batas na mabigyan ng libreng edukasyon ang mga mahihirap ngunit kwalipikadong mag-aaral sa mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at technical- vocational (tech-voc) schools sa buong Pilipinas.

Sa kabuuan, 112 state colleges and universities ang magiging benepisyaryo ng Republic Act 10931 sa susunod na taon kung saan 8 ay mula sa Metro Manila, 49 sa Luzon, 26 sa Visayas habang 29 naman ang mga SUCs sa Mindanao.

Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na dapat bigyang importansya ng bawat isa ang edukasyon dahil susi ito sa pagtamo ng isang maginhawang buhay.(Ers Geronimo)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,987 total reads

 73,987 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,473 total reads

 152,473 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,921 total reads

 185,921 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,218 total reads

 221,218 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,747 total reads

 444,747 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,268 total reads

 298,268 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,173 total reads

 409,173 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top