Simbahan, nanawagan sa COA para sa kumpirmasyon ni DAR Sec. Mariano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Suportado ng CBCP National Secretariat for Social Action kasama ang iba’t-ibang Diocesan Social Action Centers at mga grupo ng magsasaka si Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Nanawagan ang Simbahang Katolika, kaisa ang iba’t ibang grupo sa Commission on Appointments, na kumpirmahin si Mariano bilang kalihim upang maipagpatuloy nito ang magagandang bagay na nasimulan sa ahensya.

Bilang katibayan, inilahad pa ng CBCP NASSA ang mabubuting gawain ni Mariano na pabor at labis na nakatulong sa mga mahihirap na magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa.

Una na rito ang pakikipagdiyalogo ng kalihim sa iba’t ibang grupo ng mga magsasaka mula sa Negros Occidental, Leyte, Batangas, Capiz, Iloilo, Camarines Sur at Davao.
Bukod dito, tinanggal din ni Mariano ang mga tinaguriang “killer provisions” sa mga Administrative Order ng DAR tulad ng: Administrative Order No. 5, series of 2017 na nagsusulong sa proseso ng Land Acquisition and Distribution at farmer installation sa mga lupang agrikultural kahit na may mga conversion, application o pending acquisition proceedings; ang administrative Order No. 1, series of 2017 na nagsasaad na hindi na kinakailangang kumuha ng Application to Purchase and Farmer’s Undertaking upang kilalanin ang mga farmer-beneficiaries.

Dagdag pa dito, pinairal din ni Mariano ang kapangyarihan ng DAR Secretary na maghain ng Cease and Desist Order o Status Quo order kung kinakailangan sa mga kasong Agraryo.

Dahil dito, malaki ang tiwala ng Simbahan at ng mga magsasaka kay Mariano na maisusulong nito ang Repormang Agraryo, na may pagkiling sa kapakanan ng maliliit na magsasaka, kaalyado man niya o hindi.

Tinatayang 25 Social Action Directors mula sa iba’t ibang Diocese ng bansa ang nagpahayag ng suporta kay Mariano para sa confirmation hearing nito sa Commission on Appointments.

Umaasa naman ang Simbahan na ikokonsidera ng C.A. ang inihaing pahayag ng CBCP NASSA kaisa ang mga magsasaka na naniniwala sa mabuting adhikain ni Mariano para sa bansa.

Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, ang paghahangad at pagkakamit ng kabutihan para sa nakararami ay hindi lamang tungkulin ng bawat indibidwal kundi mas higit na tungkulin ng Estado dahil ang pamahalaan ay nilikha upang pairalin ang makabubuti para sa taumbayan.

Read full statement:

http://www.veritas846.ph/statement-support-ng-cbcp-nassa-kay-dar-sec-mariano/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 6,095 total reads

 6,095 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,685 total reads

 45,685 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 81,074 total reads

 81,074 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 307,343 total reads

 307,343 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 200,395 total reads

 200,395 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,375 total reads

 35,375 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,268 total reads

 28,268 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top