Simbahan, ipinagtanggol ng dating pangulo ng IBP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

May karapatan ang mga testigo sa anumang kaso na mamili kung anong institusyon o grupo nila ipagkakatiwala ang kanilang kustodiya habang isinasagawa ang paglilitis.

Ito ang pahayag ni Atty. Rosario Setias-Reyes, former President ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa usapin ng kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd delos Santos sa isinagawang Operation Galugad ng Caloocan City Police sa Barangay Sta. Quiteria noong ika-16 ng Agosto.

Ayon kay Atty. Reyes, may kalayaan at bahagi ng karapatan ng mga testigo na mamili ng kanilang institusyong pagkakatiwalaan na magbigay proteksyon sa kanilang kaligtasan at buhay.

“The right to life and liberty is a constitutionally guaranteed right that belongs to any citizen of this country. I believe, subsumed in that right is the freedom of choice to seek assistance for protection especially if he/she perceives there is danger to his or her life…”pahayag ni Atty. Setias-Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, kinakailangan naming may sapat at naaangkop na kakayahan ang mapipiling institusyon o grupo ng mga testigo na tunay na pangalagaan at proteksyonan ang kanilang kapakanan mula sa anumang banta ng kapahamakan.

Kaugnay nito naging kontrobersyal ang pananatili sa Diocese of Caloocan ng kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa kaso ni Kian Delos Santos mula sa tangkang pagbibigay ng ama ng mga bata sa kustodiya ng mga ito sa Public Attorney’s Office, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at PNP-Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG).

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar bagamat kinikilala ng Malacañang ang pagnanais ng mga testigo na mapasailalim sa proteksyon ng Simbahan ay nasasaad sa ilalim ng wastong proseso sa batas na dapat mapunta sa pamahalaan ang kustodiya ng mga testigo bunsod ng Witness Protection Program sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Gayunpaman, nanindigan rin si incoming CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na handa ang Simbahang magbigay proteksyon at paggabay sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong lalo na laban sa anumang banta ng panganib.

Read: Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong

 

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 14,391 total reads

 14,391 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 14,647 total reads

 14,647 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 34,093 total reads

 34,093 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 155,879 total reads

 155,879 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 206,241 total reads

 206,241 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 333,299 total reads

 333,299 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 417,047 total reads

 417,047 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top