Hindi NPA ang mga gurong Lumad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Ito ang binigyang-diin ni Center for Lumad Advocacy Networking and Service Incorporated o CLANS Executive Director Geming Alonzo kaugnay sa mga akusasyon na idinidikit sa tribu.

Ayon kay Alonzo, totoong serbisyong pang-edukasyon para sa mga kabataang Lumad ang tanging nais ng mga katulad niyang guro at hindi ang titulong ibinabato sa kanila ng mga tao na tulad ng ‘leftist’ o rebelde.

“Itigil na nila ang pangha-harass sa aming mga guro, itigil na nila ang paggagawa ng mga trumped-up charges dahil serbisyo ang ibinibigay ng aming mga guro at hindi yung iniisip ng mga malisyoso nilang pag-iisip na kami ay mga guro ng NPA (New People’s Army} dahil kami ay mga guro na nagbibigay ng boluntrayong serbisyo,” panawagan ni Alonzo sa panayam ng Radio Veritas.
Inihayag din ni Alonzo na matindi ang pinsalang naidulot ng Martial Law sa mga estudyanteng Lumad kung saan ang mga paaralan na dapat sana’y lugar ng kapayapaan ay nagiging sentro na ngayon ng takot at panganib para sa mga mag-aaral.

“Ang school ay zone of peace, kung may military doon na armado siyempre unang-una matatakot yung mga bata. Itigil na ang Martial Law kasi malaki na ang epekto niya sa mga bata at Lumad communities” pahayag ni Alonzo.

Iginiit ni Alonzo na mga inosenteng estudyante ang pangunahing naaapektuhan ng batas militar dahil karaniwang ginagawang kampo ng mga sundalo ang mga silid aralan na kasamang binobomba at sinusunog ng mga kaaway.

Dahil sa militarisasyon, sa kabuuan ay umabot sa 87 ang paaralang Lumad sa buong Mindanao ang hindi na napapakinabangan kung saan 4,736 libong mga estudyante ang hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral at 230 volunteer teachers ang apektado sa nagaganap na bakbakan.

Magugunitang ika-23 ng Mayo 2017 nang ideklara ng pamahalaan ang pagsisimula ng Martial Law sa rehiyon ng Mindanao dahil sa nangyayaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City na magtatagal hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Kasabay ng pagpapahalaga sa edukasyon, una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagpapanatili ng seguridad at proteksyon sa lipunan ang dapat bigyang-pansin ng mga lider ng bawat bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 51,537 total reads

 51,537 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 85,187 total reads

 85,187 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,012 total reads

 187,012 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 227,571 total reads

 227,571 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,023 total reads

 246,023 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 275,224 total reads

 275,224 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 394,549 total reads

 394,549 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top