Facilitating justice at hindi obstruction of justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Ito ang nilinaw ni incoming Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mga alegasyon ng pakikialam ng Simbahan sa kaso ng pagpatay sa 17-taong gulang na si Kian Delos Santos noong ika-16 ng Agosto.

Nilinaw ni Bishop David na hindi mga kriminal sa halip ay mga menor de edad na testigo sa krimen ang pino-protektahan ng Diocese of Caloocan upang makamit ang katarungan kaya’t walang nilalabag na batas ang Simbahan sa pagbibigay protective custody at sanctuary sa mga batang saksi.

Hinimok din ni Bishop David ang iba pang testigo sa mga drug related killings at mga biktima ng karahasan partikular sa South Caloocan, Malabon at Navotas na maging matapang at lumantad upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng iba pa sa war on drugs ng pamahalaan.

Iginiit ng Obispo na napapanahon ng mapatunayang hindi ‘isolated cases’ ang kaso ng 17-taong gulang na si Kian, 19 na taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz, 14 na taong gulang na si Reynaldo de Guzman gayundin ang iba pang pagpaslang sa mga kabataan.

“Kung ikaw ay kapamilya ng isang biktima ng extra judicial killings o saksi sa extra judicial killings ng isang biktima ngayon na ang panahon para lumabas at patunayan na hindi isolated cases sila Kian, Carl at Reynaldo…”panawagan ni Bishop David.

Inihayag ng Obispo na maaring lumapit sa mga kura-paroko ng mga Simbahan ng Diocese of Caloocan ang sinumang nais na maidokumento ang kanilang mga kuwento sa tulong na rin ng mga volunteer lawyers.

“Kung ikaw ay taga-South Caloocan, Malabon o Navotas at nais mong madokumento ang kuwento mo sa pag-asang makapagsampa ka ng kaso sa takdang panahon sa tulong ng mga volunteer lawyers at walang gastos dumalaw lang po sa Pari ng inyong parokya sa kura paroko na magpapayo sa inyo kung anong dapat gawin at kung paano gagawin ito…” Dagdag pa ni Bishop David.

Hindi pa rin maaalis ng Obispo ang pangamba sa pagpapatuloy ng mga walang katuturang pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan at mas dadami pa ang mga Kian, Carlo at Reynaldo na mga kabataan na magbubuwis ng buhay hangga’t hindi babaguhin o ihinto ang maling pamamaraan at kung patuloy na magtago at manahimik ang mga saksi sa krimen.

Naunang ipinagtanggol ng dating Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines o IBP si Bishop David sa pagbibigay ng kanlungan at proteksiyon sa mga batang testigo sa Kian slay.

Read: Simbahan, ipinagtanggol ng dating pangulo ng IBP.
Obispo, nagpapasalamat sa suporta ng IBP

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 1,533 total reads

 1,533 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 22,098 total reads

 22,098 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 84,063 total reads

 84,063 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 169,430 total reads

 169,430 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 216,166 total reads

 216,166 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 264,039 total reads

 264,039 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 363,832 total reads

 363,832 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top