Maging daan ng pagbubuklod hindi ng division at hatred

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Sa gitna ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan sa madugong war on drugs ng pamahalaan, deklarasyon ng martial law, Marcos deal, panggipit ng Kongreso sa Commission on Human Rights,Korte Suprema at COMELEC, pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng mga parokya ng Simbahang Katolika at mananampalataya na iwaksi ang pagkakahati sa halip ay maging bahagi ng communion o pagbubuklod.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang communion o pagbubuklod ang tema ng ‘Year of the Parish’ na ipinagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas ngayong taon.

Sa kanyang homiliya, tinukoy ni Cardinal Tagle si Kristo na sa kabila ng pagkakaiba ay pinagtitipon at pinagbuklod ang bawat isa.

“Ang tema po ng kapistahan sa ating parokya sa taong ito ay hindi lamang parish communion of communities, kundi parish of Christocentric communities. Ang bawat community naka-center kay Kristo. At kapag naka-center kay Kristo, naka-ugat sa tagumpay ng Krus ni Hesus na walang iba kundi ang tagumpay ng pag-ibig laban sa kasamaan, kasalanan, at sa kamatayan,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle para sa kapistahan ng Feast of the Exaltation of the Cross.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang pakikipagbuklod sa kapwa ay pakikipagbuklod sa Panginoon.

Sinabi ng kanyang Kabunyian na ngayong taon ay minumulat ang mga mananampalataya na magbuklod sa pag-ibig laban sa kasamaan, kasalanan at kamatayan.

“Kaya itong taon na ito, minumulat tayo. Ang hanapin ng mga communities at ng parokya ay pagbubuklod. Huwag na tayong dumagdag sa paghahati-hati na ginagawa ng karamihan. Enjoy na enjoy sila kapag nagkakasira-sira ang ugnayan ng iba, huwag tayong papatol dun hindi tayo tinatawag. Ang tema natin sa buong taon na ito ay parish communion of communities. Hindi naman ito parish division of communities. Kung lahat ng parokya sa buong Pilipinas seseryosohin yung tema hindi tayo papatol sa lahat ng naghahati-hati sa mundong ito. Iba ang daan natin, communion hindi tayo sa daan ng division and hatred,”dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Pinayuhan ni Cardinal Tagle ang bawat isa na huwag lamang tumingin kay Hesus na nakabayubay sa Krus, kundi damayan ang mga taong nagbabata ng kanilang sariling Krus dahil sa kahirapan, kagutuman at pighating pinagdaraanan.

“Sana po lumakad tayo at tingnan ang mga kapatid natin na nakapako sa kanilang mga Krus. Makipag-isa po tayo sa kanila. Kung may prusisyon kasama ang Banal na Krus, sana sa araw-araw na buhay sa paglalakad sa mga prusisyon ng buhay samahan din in communion, samahan din ang mga nagpapasan ng kanilang Krus.”paalala ni Cardinal Tagle

Ginawa ng Kardinal ang paalala sa Exaltation of the Cross na ipinagdiriwang tuwing September 14 kung saan sa kasaysayan ay ang pagkakatagpo ni Santa Elena ng krus sa kanyang pilgrimage sa Jerusalem.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 20,354 total reads

 20,354 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 81,470 total reads

 81,470 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 166,837 total reads

 166,837 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 213,573 total reads

 213,573 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 261,445 total reads

 261,445 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 361,356 total reads

 361,356 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top