Paigtingin ang pangangalaga sa Sierra Madre.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 931 total views

Ito ang panawagan ng Save Sierra Madre Network Alliance kasabay ng paggunita ngayong araw ng Save Sierra Madre Day.

Sa liham ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan itong higpitan ang pagbabantay sa kabundukan laban sa mga banta ng illegal logging, mining, pagtatayo ng mga Coal Power Plants at Mega Dam na pumapatay sa mga punong kahoy.

Sinabi pa ng grupo na nagiging dahilan ang mga naturang aktibidad kaya nawawalan ng tahanan at napipilitang lumikas ang mga katutubong naninirahan sa kabundukan.

Bukod dito, dahil din sa pagkakalbo ng Sierra Madre kaya tumitindi ang mga bahang nararanasan sa Metro Manila, tulad na lamang ng bagyong Ondoy noong September 26, 2009.

Samantala bukod sa kahilingan ng grupo sa pamahalaan ay nanawagan din sa taumbayan si Fr. Pete Montallana, Chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance upang makiisa sa pag-aalaga sa kabundukan.

Ayon sa Pari, mahalagang mayroong pagtugon ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar at pagiging responsable sa mga gamit na binibili.

“Nananawagan kami ulit sa lahat ng ating mga kababayan sa buong Pilipinas na tingnan ang kahalagahan ng Sierra Madre at ang lahat ng ating bundok. Panawagan pa po namin, act locally, alagaan ang Sierra Madre, alagaan ang ayos ng ating basura, alagaan ang ating mga binibiling gadgets, sabi ni Pope Francis huwag tayong maging biktima ng consumerism, bili dito, bili doon tapos itatapon, so holistic po yun yung ating pananaw, kapatid ko ang kalikasan, igagalang ko ang kalikasan, lahat ng gamit dito sa mundo titingnan ko sa mata ng may pagmamahal sa kalikasan, mahal natin ang Diyos, kinakailangan na alagaan natin ang kanyang mga ginawa.” Pahayag ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Taong 2012 sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 413, idineklara ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Save Sierra Madre Day biglang pagpapaigting ng pangangalaga sa kabundukan at pag-alala sa mga naging biktima ng matinding pagbaha na dulot ng bagyong Ondoy.

Kaugnay dito muling binigyang diin ng grupo ang pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na kinakailangang pangunahan ng bawat pamahalaan ang pangangalaga sa kalikasan at suportahan ito ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 157,476 total views

 157,476 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 187,699 total views

 187,699 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 214,345 total views

 214,345 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 309,318 total views

 309,318 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 320,094 total views

 320,094 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 345,603 total views

 345,603 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top