Makilakbay sa mga Migrante, panawagan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total views

Ibinahagi ni Father Greg Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma at Vatican Correspondent ng Radio Veritas ang naging pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa weekly general audience kasabay ng paglulunsad ng “Share the Journey” migrants campaign ng Caritas Internationalis.

Ayon sa Pari, iniugnay ng Santo Papa ang lingguhang katesismo nito kaugnay sa pag-asa, sa pinagdadaanang pagsubok ng mga migranteng naglalakbay sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

“Yung mga migrants ay hindi lamang i-welcome natin, o tulungan natin, kundi we have to journey [with them], makilakbay [tayo], kasama sa kanila sa journey… at hindi lang yung mga migrants na nakakapagtrabaho kundi yung mga refugees din na walang trabaho at ito yung mga mas nahihirapan,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Dahil dito, sinabi ng Pari na nanawagan si Pope Francis sa bawat isa na makipag-ugnayan at makipag-usap sa mga migrante maging lokal man o sa ibang bansa.

Sa ganitong pamamaraan ay matutulungan ang mga dayuhan na mapanatili ang pag-asa sa kanilang mga puso, lalo na ang mga migranteng napilitan lamang umalis sa kanilang tahanan dahil sa digmaan.

Samantala, bukod sa paglulunsad ng “Share the Journey” migrants campaign sa Roma, naglunsad din sa Pilipinas ng mga talakayan kasama ang mga lokal na migrante at kapamilya ng mga migrante.

Dito nagbahaginan ang bawat isa ng kanilang mga karanasan, at nagpaabot din ng pakikiramay at pakikiisa ang simbahan sa kanilang mga suliraning pinagdaanan o kasalukuyan pa ding kinakaharap.

Read: Promote culture of encounter

Sa Pilipinas, batay sa huling pagtataya ng Internal Displacement Monitoring Center noong 2015 ay umaabot sa 119,000 indibidwal ang umaalis mula sa kanilang mga tahanan dahil sa karahasan, kaguluhan, o iba pang kadahilanan.

Kabilang na dito ang humigit kumulang 2,000 mga Lumad na kamakailan ay nagsagawa ng Manilakbayan upang ipabatid sa publiko ang ginagawang pang-aabuso at pagpapalayas sa kanila mula sa kanilang lupaing minana.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 111,954 total views

 111,954 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 155,562 total views

 155,562 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 237,257 total views

 237,257 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 245,005 total views

 245,005 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 312,756 total views

 312,756 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top