Seguridad sa Marawi, hihigpitan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total reads

Kasunod ng pagkakapaslang sa dalawang lider ng Maute ISIS group, tiniyak ng Philippine National Police na patuloy na magiging mahigpit ang seguridad sa Marawi City.

Ayon kay Marawi City Police Chief P/Sr.Supt. Ebra Moxir Al Haj, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mahadlangan ang posible pang pag-atake ng mga kaalyado ng ISIS Maute at iba pang lokal na terorista kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Alam po ng ating tropa ng gobyerno na ‘yan ang susunod na yung mga loyalists at supporters po ng local terrorist ay yun ang babantayan ng ating tropa ng PNP at AFP. Hinimok din namin ang mga sibilyan na tumulong sila sa security at rehabilitation ng ating mahal na Islamic City ng Marawi,” ayon pa kay Moxir.

Dagdag pa ni Moxir, paghahanda naman sa pagbabalik ng mga nagsilikas ang inaasahang susunod na hakbang ng pamahalaan sa sandaling matapos ang may limang buwang digmaan sa lungsod.

“Mag-focus po ngayon dito sa preparations nang pagbalik ng mga IDP’s sa kani-kanilang bahay o community, barangay na hindi apektado. Ito ay converging effort ng ahensya ng gobyerno,” ayon kay Moxir.

Base sa ulat, higit sa 400 libong mga residente ng Marawi City ang lumikas dahil sa digmaan at kasalukuyan nasa 38 evacuation centers habang ang malaking bahagi ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, binigyan diin nito na walang nagwawagi sa digmaan sa halip ito ay nagdudulot ng pagkasira hindi lamang ng buhay kundi ang kabuhayan ng mga residente kung saan may kaguluhan.

Kaya’t giit ng Santo Papa, mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayan ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba para makahanap ng tugon sa anumang suliranin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 27,556 total reads

 27,556 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,847 total reads

 63,847 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 290,117 total reads

 290,117 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,584 total reads

 183,584 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 276,175 total reads

 276,175 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 5,644 total reads

 5,644 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top