Libing ni Cardinal Vidal sa Cebu, idineklarang holiday ni Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa paglalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng oras upang personal na makiramay at makapagpaabot ng huling paggalang kay Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Ganap na alas-dose ng madaling araw kanina ng bumisita si Pangulong Duterte sa burol ng yumaong Cardinal sa Cebu Metropolitan Cathedral kasama sina Special Assistant to the President Secretary Bong Go at Presidential Assistant for Visayas Michael Dino.

Sa mga larawang ipinadala ng Malacañang Photo Bureau ay makikita ang paghalik ni Pangulong Duterte sa kabaong ni Cardinal Vidal kung saan ito ay nagbahagi rin ng kanyang mensahe.

Bukod dito, nagkaroon rin ng pagkakataon ang Pangulo na makausap ang kapatid ng Cardinal na si Juanito Vidal at si Cebu Archbishop Jose Palma na siya rin pangunahing nangangasiwa sa burol ng yumaong Cardinal.

Kaugnay nito, idineklara na rin ni Pangulong Duterte na holiday sa Cebu sa araw ng libing ni Cardinal Vidal sa ika-26 ng Oktubre upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga mananampalataya na maipakita ang kanilang huling paggalang at pagdadalamhati sa pagpanaw ng Cardinal na 29 na taon na nagsilbi nilang Arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Una nang kinumpirma ng Archdiocese of Cebu ang paglilibing kay Cardinal Vidal sa libingan ng mga Obispo sa likod mismo ng Cebu Metropolitan Cathedral sa ika-26 ng Oktubre.

Si Cardinal Vidal ay pumanaw noong ika-18 ng Oktubre sa edad na 86 na taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 100,524 total views

 100,524 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 144,132 total views

 144,132 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 226,124 total views

 226,124 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 234,931 total views

 234,931 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top