“Sumuko na kayo”, PDEA sa mga drug user

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Ito ang maigting na panawagan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga drug addicts sa bansa na natatakot at nag-aalinlangan pang sumuko sa pamahalaan.

Ayon kay PDEA Deputy Director General for Administration Jesus Fajardo, bukas ang ahensya sa pagtanggap ng mga indibidwal na nalulong sa droga ngunit nais na magbago.

Sinabi ni Fajardo na mula sa rehabilitasyon hanggang sa paghahanap ng trabaho ay sasagutin ng PDEA ang lahat ng pangangailangan ng mga susukong drug addicts sa tulong na rin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang law enforcement agencies.

“Magbago na tayo, sumuko tayo at tutulungan namin kayo na ibigay do’n sa agency kung saan nandoon ang rehabilitation at reintegration and hopefully at the end of the day sabi ko nga hanggang sa paghahanap ng trabaho… Kung sino pa yung nand’yan [na drug addict] huwag kayong matakot. Pumunta kayo sa PDEA o any regional office ng PDEA at makakaasa sila na sila ay tutulungan ng aming mga agents doon sa pupuntahan nila,” paghihikayat ni Fajardo.

Kaugnay nito, inamin ni Fajardo na malaking hamon para sa kanila ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDEA bilang tanging ahensya na mangangasiwa sa mga drug operations ng gobyerno kasabay ng pangakong gagawin nila ang lahat ng makakaya upang hindi biguin ang atas ng Pangulo.

Sa tala ng PDEA, 51-porsiyento sa mahigit na 40-libong barangay sa buong bansa ang sinasabing apektado ng iligal na droga kung saan 3,534 na sa mga ito ang nagalugad na ng ahensya.

Samantala upang patunayan na malinis ang mga isinasagawang operasyon ng PDEA ay inaayayahan ni Fajardo ang media na sumama sa kanilang mga susunod na aktibidad.

Una nang inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco sa bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,944 total views

 45,944 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,813 total views

 41,813 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,015 total views

 78,015 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,752 total views

 86,752 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,183 total views

 112,183 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,038 total views

 80,038 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,465 total views

 270,465 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top