Bayanihan para sa kalikasan, hiling ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 504 total reads

Matagumpay na naisagawa ng Diocese of Kalookan ang unang Laudato Si Pre-conference na may temang “Deepening Reflection and Our Response”, bilang paghahanda sa kumperensya ng Ecclesiastical Province of the Archdiocese of Manila sa darating na ikalawa at ikatlo ng Pebrero 2017.

Aminado si Father Benedict Cervantes – Head ng Social Service Development Ministry, na isa ang kanilang Diyosesis sa mga pinaka-nangangailangan ng ibayong pangangalaga sa kalikasan dahil sa maraming maruruming ilog sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Gayunman positibo ang pari na magbubunga ng maganda ang pag-aaral na ito ng mga layko na magdudulot ng mas malawak at mas malakas na pagtutulungan ng mga Pari, at Layko, simbahan at pamahalaan para paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

“I am looking forward na maganda ang magiging partnership ng simbahan at ng gobyerno at ang mga kaparian at mga layko. As a clergy I am very-very positive na kayang gawin ito, magsimula sa parokya pababa sa mga barangay at sa bandang huli ay buong siyudad.” pahayag ng ni Father Cervantes sa Radyo Veritas.

Bagamat nalalapit na ang pagtatapos ng Year of the Parish as Communion of Communities ay naniniwala si Father Cervantes na mananatiling aktibo ang kanilang Basic Ecclesial Community sa pagpapalaganap ng mga tamang gawain na makatutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalikasan.

“Kailangan talaga may mag spearhead so ito yung pinagsisikapan ng simbahan ngayon na sa simbahan magsimula at ikalat sa mga pamayanan kaya malaking tulong dito ang mga Basic Ecclesial Communities, talagang sila yung magdadala, at sila yung magpo-propagate ng pagmamahal sa kalikasan. We are very hopeful and very positive na itong seminar on Laudato Si na ito ay hindi magtatapos hanggang seminar lamang kundi ito ay magkakaroon ng realization… Sabi nga ni Bishop ay ang umiiyak na kalikasan ay kailangan talagang patahanin at pangitiin.” Dagdag pa ng Pari.

Samantala binigyang diin naman ni Fr. Octavio Bartiana, Head ng Ecology Ministry ng diyosesis na laging nakahanda ang Diocese of Kalookan na makipagtulungan sa pamahalaan at sa Non-Government Organizations para sa ikabubuti ng kalikasan.

Hamon nito sa pamahalaan at sa Department of Environment and Natural Resources na bigyang diin ang pagpapatupad sa mga Environmental laws kabilang na ang Solid Waste Management Act, Clean Air Act, at Clean Water Act.

“Ang mensahe ko lamang po sa mga NGOs, LGUs specially sa DENR ay sana po dahil 17 years na po ang batas na yan [environmental laws] ay sana po bigyan natin ng pansin, diin sa adbokasiya at pag-inform sa mga tao, at maisakatuparan ang mga batas, at least maging well informed sila at maisakatuparan ang mga batas. Tapos tayong mga kumikilos na lalo na saDENR bigyan ng seryosong makatotohanang aplikasyon doon sa ating mamamayan.” Pahayag ni Fr. Bartiana sa Radio Veritas.

Samantala, nagpasalamat din si Fr. Bartiana sa mga tumulong upang matagumpay na maisakatuparan ang kumperensya, aniya, ito pa lamang ang simula sa masmalawak na aksyon ng simbahan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa kabuuan batay sa Ecology Ministry ng Diocese of Kalookan ay umabot sa 93 ang nakilahok sa naturang pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,095 total reads

 2,095 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,600 total reads

 37,600 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,084 total reads

 74,084 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,295 total reads

 92,295 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,533 total reads

 176,533 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,259 total reads

 378,259 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top