CLOSING CEREMONIES OF THE GOLDEN JUBILEE OF THE DIOCESE OF SAN PABLO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total views

Sa darating na ika-30 ng Nobyembre, Huwebes, pormal na isasara ng Lubhang Kgg. Buenaventura M. Famadico, D.D. ang Banal na Pintuan ng Katedral ng San Pablo Unang Ermitanyo, Lungsod ng San Pablo, bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis ng San Pablo.

Ang maringal ng pagtatapos ay isasagawa sa tatlong bahagi: sa ganap na ika-1 ng hapon, magbibigay ng panayam hinggil sa “Taon ng mga Layko” ang Obispo Bernardino Cortez ng Infanta, sa ika-2 ng hapon ay isasagawa ang Banal na Misa at ang Maringal na Pagsasara ng Banal na Pintuan sa Katedral ng San Pablo, at sa ganap na ika-3 ng hapon naman ay isasagawa mula sa harap ng Katedral patungo sa mga piling lansangan ng lungsod ang “Grand Jubilee Procession” na lalahukan ng lahat ng parokya ng Diyosesis.

Tampok sa Grand Jubilee Procession ang iba’t ibang patron ng mga parokya ng Laguna, kabilang na dito ang mapaghimala at dinadayo na imahen ang Nakahimlay na Kristo sa Libingan, o mas kilala bilang “Lolo Uweng” ng Landayan, Lungsod ng San Pedro. Masaya rin na ipuprusisyon ang bantog na imahen ng Nuestra Señora delos Dolores de Turumba ng bayan ng Pakil.

Ang pagdiriwang ng Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis ay umikot sa tema ng Pagpapasalamat, Pagpapalaganap, at Paghahangad.

Sabi ni Obispo Famadico, ang pagdiriwang ng Ginintuang Hubileyo ng San Pablo ay sama-samang “pagsusumikap na tumupad sa kautusan [ni Kristo] na ibigin siya nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip, at ang kapwa katulad ng pag-ibig natin sa ating sarili.”

Ayon na rin sa kanya, “mainam na ating mapag-ibayo ang pag-ibig sa pamamagitan ng mataimtim na pananalangin at ng walang sukat na pag-aalay ng sarili para sa ating kapwa” bilang mga makabuluhang gawain at aral na itinuturo ng pagdiriwang Ginintuang Hubileyo.

Bukod sa Banal na Pintuan ng Katedral, naging makabuluhan din ang pagdiriwang ng Ginintuang Taon ng Hubileyo dahil sa libu-libong mga nagsagawa ng banal na paglalakbay sa 12 Simbahang Pang-Hubileyo na itinakda ng Diyosesis:

  1. Katedral ni San Pablo Unang Ermitanyo (San Pablo City)
  2. Pang-Diyosesis na Dambana ni Hesus na nasa Banal na Libingan (Landayan, City of San Pedro)
  3. Our Lady of the Most Holy Rosary Parish (Rosario Complex, City of San Pedro)
  4. Parokya ni San Isidro Labrador (Poblacion, City of Biñan)
  5. Parokya ni Sta. Rosa ng Lima (Poblacion, Santa Rosa City)
  6. Parokya ni San Juan Bautista (Poblacion, Calamba City)
  7. Parokya ni San Agustin (Poblacion, Bay)
  8. Pang-Diyosesis na Dambana ni San Antonio de Padua (Poblacion, Pila)
  9. Parokya ni San Juan Bautista (Poblacion, Liliw)
  10. Pang-Diyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe (Poblacion, Pagsanjan)
  11. Pang-Diyosesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Turumba (Poblacion, Pakil)
  12. Parokya ni San Pedro at San Pablo (Poblacion, Siniloan)

Samantala, humingi ng pang-unawa at pinayuhan naman ni Rdo. Padre David Reyes, Direktor ng San Pablo Diocesan Commission on Social Communications, ang lahat ng mga dadaan sa Lungsod ng San Pablo sa darating na Huwebes na asahan na ang matinding trapiko at pagsasara ng ilang mga lansangan dahil sa pagdiriwang na ito. Ipinabatid din niya na nakikipagtulungan na ang pamunuan ng Diyosesis ng San Pablo sa lokal na pamahalaan at kapulisan upang maging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng pagtatapos ng Ginintuang Hubileyo.

Ang Diyosesis ng San Pablo ay binubuo ng 2.8 milyong mga Katoliko mula sa 87 na mga parokya na matatagpuan sa anim na lungsod at 24 na bayan ng lalawigan ng Laguna. Ito ay itinatag ni Beato Papa Pablo VI noong ika-28 ng Nobyembre 1966 sa bisa ng Konstitutsyong Apostolika “Ecclesiarum per ampla.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 3,937 total views

 3,937 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 28,253 total views

 28,253 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 64,043 total views

 64,043 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 105,882 total views

 105,882 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158,940 total views

 158,940 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 14,091 total views

 14,091 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 232,601 total views

 232,601 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top