Pagtalikod sa masamang gawain, katangian ng isang mabuting Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

Patunayan ang pagiging tunay na kristiyano hindi lamang dahil sa binyag kundi ang pagsasabuhay ng mabuting gawain sa araw-araw.

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kaniyang homiliya sa ginanap na misa matapos ang Word Exposed: Advent Recollection sa Araneta Coliseum.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, base sa datos kalahati ng bilang ng mga Kristiyano sa buong Asya ay matatagpuan sa Pilipinas.

“While we thank God for the gift of Christianity in our country, we cannot be blind to the reality. It seems that there is dichotomy between faith and ordinary life. Living the faith through good works,” ayon sa homiliya ni Cardinal Tagle.

Sa kabila ng mataas na bilang ng mga katoliko, sinabi ni Cardinal Tagle na lumalabas din sa pag-aaral na mataas din ang bilang ng katiwalian sa bansa.

Sa 2016 report ng Transparency International, nakakuha ng 36 points ang Pilipinas na nasa ika-101 puwesto bahagdan mula sa 176 na bansa kumpara sa 95th place noong 2015 report .

“Hanggang number na lang ba tayo,” giit ni Cardinal Tagle.

Sa datos ng Philippine Statistics Office, tinatayang aabot na sa higit sa 100 milyon ang populasyon ng bansa na may 86 na porsiyento ng mga katoliko at sa hiwalay na pag-aaral lumalabas din na 37 porsiyento sa mga ito ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo.

“Good works for us Christians sana ay an expression of our faith in Jesus Christ”, dagdag pa niya.

“…Hindi lamang baptismal certificate to proved that I am a Christian. Kundi ah kristiyano. O kahit hindi tayo nagsasalita alam ko kristiyano ka. Bakit? Kasi nagmamahal ka at tumutugon,” isang paghahalimbawa ni Cardinal Tagle na magandang pagkakakilala sa mga Kristiyano ng mga taga-Nepal matapos ang kanyang pagdalaw doon matapos ang lindol.

Bago ang pagdiriwang ng misa, pinangunahan din ni Cardinal Tagle ang taunang Word Exposed: Advent Recollection sa Araneta Coliseum na may temang “Produced Good Fruits as Evidence of your Repentance” na inorganisa ng Jesuit Communications Foundation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 8,138 total reads

 8,138 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 131,433 total reads

 131,433 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 181,797 total reads

 181,797 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 308,855 total reads

 308,855 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 394,012 total reads

 394,012 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top