Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Kapanalig, laging matunog ang rebolusyon ngayon. Kasabay nito, matunog pa rin ang kaso ng mga EJKs. Patayan at rebolusyon. Ano nga ba ang nangyayari sa ating bansa ngayon na tila sobrang “toxic” o nakalalason na at nakakasusulasok na ang atmospera? Tayo pa ba ay may pag-asang umunlad at magkaisa?

Sayang naman kapanalig, kung laging ganito. Sayang naman ang paghihirap ng mga tulad ni Andres Bonifacio, isang bayaning ating binibigyang pugay ngayon. Rebolusyon din kapanalig, ang panawagan ni Bonifacio noon, ngunit it ay hindi laban sa kapwa Pilipino. Ito ay laban sa mga dayuhang nagmamamalupit at kumikitil ng buhay at pangarap ng mga Filipino noon.

Kapanalig, hindi ba’t rebolusyon ng puso ang ating kailangan, upang tunay na mapag-isa na ang mga Filipino?

Unang una, bigyang habag natin ang maralita sa ating paligid. Siyam sa ating batayang sektor, kapanalig ay may poverty incidence na higit pa sa ating heneral na populasyon.  Ang sektor ng magsasaka, mangingisda at bata ay 34.3%, 34%, at 31% ang poverty incidence. Ang self-employed at mga kababaihan, nasa 29.8% at 25.5%. Ang poverty incidence sa ating bayan, kapanalig,  nasa  21.6%.

Pangalawa, kapanalig, sa gitna ng kahirapan na ito ay ang isyu ng divisiveness o pagkawatak watak ng Filipino. Tila walang uniting factor o makakapag-isang salik sa ating bayan ngayon. Ang ating pag-galaw ay kalat, at ang ating paglalakbay ay balot ng galit, luha, o di kaya pamamanhid.

Ano na nga ba ang kahulugan ng pagiging Filipino ngayon? Ano ba ang pangarap ng Filipino ngayon? Sino ba ang mga bayani ng mga Filipino ngayon?

Kapanalig, ito ang mga tanong na dapat nating pagnilayan. Lalong lumalala ang ating pagkawatak watak. Tila ang boses ng karaniwang Pilipino ay nalulusaw sa samot-saring isyu ukol sa droga, kamatayan, at paghahangad ng sukdulang kapangyarihan. Tila bawat palit ng adminstrasyon, bumabangon tayo sa kawalan. Kailangan lagi na lamang yinuyurakan ang mga gobyernong nagdaan, at tatahak sa hinaharap na parang laging walang pinagmumulan. Partido at politiko kapatid, ang nagdidikta ng ating kinabukasan ng mga Filipino, at hindi ang mga Filipino mismo.

Suriin natin kapanalig, ang mga lider ng bayan ngayon, ang lider ng bawat distrito, munisipalidad, syudad, hanggang sa pinakamaliit na barangay. Sila ba ay matuturing mo na tunay na kampeon ng Filipino? Sila ba ay kumakatawan sa iyo at sa kabutihan ng pamilya at pamayanan mo? Gaya din ba sila ni Andres Bonifacio?

Isang munting paalala, kapanalig, mula sa Gadium et Spes, ngayong araw ni Bonifacio: Ang mga mamamayan ay dapat luminang ng mapagbigay at tapat na ispiritu ng pagkamakabayan. Ngunit, hindi dapat ito balot ng kakitiran ng utak, upang lagi nilang maiisip ang kabutihan ng balana.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,179 total reads

 4,179 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,307 total reads

 4,307 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,777 total reads

 8,777 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,181 total reads

 65,181 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,685 total reads

 188,685 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,750 total reads

 273,750 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,778 total reads

 8,778 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,182 total reads

 65,182 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,686 total reads

 188,686 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top