276 total views
Nilinaw ng Philippine National Police na hindi pa nanghihimasok ang PNP sa war on drugs matapos ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa Philippine Drug Enforcement Agency ang pangunguna sa kampanya.
Inihayag ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos na kasalukuyan nilang tinututukan ang pagkakaroon ng isang matatag na community based recovery and wellness program.
Layon nitong mahigpit na bantayan ang bawat pamayanan mula sa krimen na dulot ng mga ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pag-papatrolya sa bawat kumunidad.
“At this time po zero po kami dyan sa operation ng Tokhang Zero po kami sa implementation ng Republic Act 9165 nagpofocus po kami dun sa community based recovery and wellness program and our patrol to prevent drug activities in the community as directed by the President in his Presidential Directive…” paglilinaw ni Carlos sa panayam sa Radio Veritas.
Nilinaw ni Carlos na mananatiling lead agency sa kampanya ang PDEA kahit pa muling ipag-utos ng Pangulong Duterte na muling pakikibahagi ng PNP.
Ipinaliwanag ng PNP spokesman na ang PDEA ang mandated ng batas na manguna sa war on drugs habang support agency lamang ang PNP.
“Ito po kapag ang direktiba o ang kautusan ng ating Commander Chief and Chief Executive, the Philippine National Police will follow the directive of the Commander in Chief and Chief Executive; pangalawa po the PDEA will still be the or lead agency in the implementation of the law kami po ay support agency to implement the law yan po ang amin pong gagawin…” pahayag ni Carlos
Sa ilalim ng Republic Act No. 9165, itinatag ang Philippine Drug Enforcement Agency para pangalagaan ang integridad ng mga mamamayan lalo na ang kabataan mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.
Matatandaang Ika-10 ng Oktubre ng ipinalabas ni Pangulong Duterte ang memorandum kung saan inatasan nito ang PDEA para solong pangunahan at pangasiwaan ang Anti-illegal Drug Operations sa buong bansa.
Gayunpaman, una nang inihayag ng Sr. Cresencia Lucero – Vice Chairman ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na nananatili pa rin ang karahasan sa implementasyon ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan dahil marahas pa rin ang implementasyon ng PDEA sa kampanya kontra illegal na droga.
Read: Tuloy ang pagpatay sa war on drugs ng gobyerno