Gawa hindi salita, hamon kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Gawa at hindi salita ang hiling ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales kay pangulong Rodrigo Duterte at Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa problemang dulot ng pagmimina sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Benito Molino, chairman ng CCOS, naniniwala sila sa adbokasiya ng Pangulo ngunit nagpapatuloy pa rin ang mga operasyon ng mga sinuspindeng minahan sa Zambales.

“Lagi naming binabanggit ay sana yung mga sinasabi ni Pangulong Duterte ay gawan nya ng aksyon hindi lang panay salita kasi hanggat panay salita ang kanyang ginagawa at nagpapatuloy ang pag-hauling, ang pagmimina ay ang hirap paniwalaan, kaya kami ayaw namin ng ngawa gusto namin ng gawa,” bahagi ng pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Molino, bukod sa pagpapatigil sa mga minahan ay kinakailangan ding panagutan ng mga mining companies ang pagkasirang idinulot nila sa kapaligiran lalo na sa mga sakahan, palaisdaan at mga daluyan ng tubig gayun din ang pagbibigay ng hustisiya sa lahat ng biktima ng perwisyong pagmimina.

Matatandaang sa ilalim ni dating DENR Secretary Gina Lopez, kabilang ang minahan sa Zambales sa 23 kumpanyang nais nitong ipasara dahil sa matinding pinsalang idinulot nito sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan ay patuloy namang nananatili ang humigit kumulang 30 kasapi ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales sa harap ng tanggapan ng DENR kasama ang mga miyembro ng Save Manicani Movement upang ipanawagan ang pagpapatigil ng pagmimina sa kanilang lugar.

Nauna rito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol niya sa pagmimina dahil sa nagiiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,492 total reads

 4,492 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,620 total reads

 4,620 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 9,176 total reads

 9,176 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,580 total reads

 65,580 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 189,084 total reads

 189,084 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 274,116 total reads

 274,116 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 15,219 total reads

 15,219 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 45,675 total reads

 45,675 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 38,538 total reads

 38,538 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top