Mamamayan ng Manicani island, nabuhayan ng loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total views

Nagkaroon ng pag-asa ang mga residente mula sa Manicani Island na nagkakampo sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources matapos silang harapin at ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Pagbabahagi ni Jaybee Garganera National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina, isa sa mga sumusuporta sa grupo ng Save Manicani Island, isa itong positibong pag-usad para sa petisyon na inihain ng grupong mula sa Manicani upang matigil na ang pagmimina sa kanilang lalawigan.

“Tumaas yung spirit at magaan na yung pakiramdam nung mga tao dahil, una may diyalogong nangyari hinarap sila ni Secretary Cimatu, pangalawa may kasulatan ng minutes [of the meeting], pero titimbangin nila kung sapat na ba ito para sabihin na nakamit na natin yung ating layunin.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Garganera na kinilala ni Cimatu ang pagiging isang protected Area ng isla ng Guian at nangako ito sa mamamamayan na hindi na muling magkakaroon ng operasyon ng pagmimina sa isla, kabilang na ang isla ng Manicani at Homonhon.

“At least ang sabi ni Cimatu ay alam nilang protected area yun at i-consider nila sa mga bagong mining applications sa area, so maganda yung pagtingin ng mga nagkakampo sa sagot na yon ni Cimatu.” Dagdag pa ni Garganera.

Nobyembre pa nang magkampo ang mga residente ng Manicani Island sa harapan ng DENR upang hilingin na huwag nang muling bigyan ng Mineral Production Sharing Agreement ang Hinatuan Mining Corporation.

Sa kabuuan ang Manicani Island ay may lawak na 1,165 hektarya, at binubuo ito ng apat na mga barangay.

Ang HMC na nagmimina sa isla ay natukoy na subsidiary ng Nickel Asia Corporation, ang pinakamalaking kumpanya ng minahan sa Pilipinas.

Naninindigan naman ang mamamayan kaisa ang Diocese of Borongan na hindi na dapat maulit pa ang 25 taong pagdurusa ng mamamayan sa Manicani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,492 total views

 53,492 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,361 total views

 49,361 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,563 total views

 85,563 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 94,070 total views

 94,070 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,905 total views

 118,905 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,039 total views

 325,039 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top