Bigyang buhay ang pagiging alagad ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Bawat isa ay may bahagi sa pagpapalaganap ng mabuting balita ni Kristo.

Ito ang mensahe ng pagdiriwang ng simbahan sa ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servants for the New Evangelization’ ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud,chairman ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang taong ito ay hindi lamang para sa mga pari at relihiyoso kundi maging sa lahat ng mga tao na nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon.

“Itong tema na ito, kung makakatulong sa sambayanan ng Diyos na mapagnilayan nating mabuti at  upang ang biyaya ng pananampalataya ay magiging ganap para sa ating pagsusumikap na mabigyang buhay kahulugan ang pagiging alagad ng Diyos,” paliwanag ni Bishop Bancud.

Giit ng Obispo, walang nagbago sa panawagan kundi ang pagpapaalala lamang ng simbahan na tupdin ang biyaya bilang mga alagad ng Diyos at mapatingkad ang pang-unawa sa mabuting balita.

“Ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa at mga layko na consecrated sa kanilang buhay ay maging instrumento ng Diyos upang sa gayun tayong lahat ay ating mapanatili ang buong tunay na pagkakaisa sa buong simbahan at tungo sa ikapapalaganap ng mabuting balita ng ating Panginoon,” dagdag pa ni Bishop Bancud.

Sa tala ng Catholic Directory, ang Pilipinas ay Sa tala ng 2015 Catholic directory ang Pilipinas ay may 10,707 diocesan at religious priest, habang umaabot din sa 19,000 ang mga religious at consecrated persons.

Una na ring inilunsad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang siyam na taong paghahanda ng simbahan sa Pilipinas para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa na ang layunin ay mapag-ibayo ang ating pananampalataya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,839 total reads

 8,839 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,511 total reads

 63,511 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,876 total reads

 148,876 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,613 total reads

 195,613 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,485 total reads

 243,485 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,316 total reads

 344,316 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top