Cardinal Tagle, umapela ng tulong para sa mga biktima ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magbigay ng tulong sa mga nasalanta sa Visayas at Mindanao dulot ng magkasunod na bagyong Urduja at Vinta.

Sinabi ni Cardinal, nawa ngayong Pasko ay maging bahagi ang bawat isa na maging daluyan ng kabutihang loob ng Panginoon sa mga nangangailangan lalu na ang mga naapektuhan ng bagyo.

“Kapag Pasko po ay ating ipinagdiriwang ang kabutihang loob ng Panginoon sa ating lahat. Pero hindi po kumpleto ang Pasko kapag meron tayong nakakalimutang mga tao, lalu na po ‘yung sa ating sitwasyon sa Pilipinas,  kadaraan lang po ng bagyong Urduja na tumama sa Samar at Leyte. At ngayon po sa Mindanao, ang bagyong Vinta. Tayo pong lahat ay pinaramdaman ng Diyos ng kagandahang loob, nararapat lamang na maging daan tayo ng kagandahang loob lalo na sa mga kapatid nating nangangailangan na nawalan po hindi lamang ng bahay at hanapbuhay kundi ng mga mahal sa buhay,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang mga tulong ay maaring ipadala sa mga parokya, social action centers ng bawat diocese at sa Caritas Manila.

“Kaya pakiusap po namin sa paskong ito at darating pang mga araw,  kahit lagpas pa ang bagong taon, tayo po ay tumulong sa ating mga kapatid lalo na po sa Visayas at Mindanao. Pakilapit po sa mga parokya, sa mga social action centers ng mga diocese,  at kami po sa Caritas Manila ay handa rin  tumanggap ng inyong tulong na aming ipapadala sa iba’t ibang mga simbahan at diyosesis sa Mindanao. Para ninyo na pong awa ang Pasko ay panahon na isaisip at tumulong sa kapwa katulad ng ginawa ng Diyos sa pagsisilbi Niya sa atin.  Maging maligaya ang Pasko sa pagtulong sa kapwa,”

Sa Vatican, nagpaabot rin ng kaniyang panalangin ang Santo Papa Francisco para sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas.

“I want to offer my prayers to the population of the island of Mindanao, in the Philippines, hit by a storm that has caused numerous victims and destruction. Merciful Lord, take in the souls of the dead and comfort those who are suffering as a result of this calamity. Let’s pray for these people,” ang mensahe ng Santo Papa sa isinagawang Angelus sa St. Peter Square.

Sa pinakahuling ulat, 182 na ang nasawi sa bagyong Vinta habang 153 katao pa rin ang nawawala dahil sa bagyong Vinta.
Apatna-pung libo katao rin ang nagsilikas at pansamantalang nasa mga evacuation centers dulot na rin ng pagtaas ng tubig at mga pagguho ng lupa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,861 total reads

 8,861 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,527 total reads

 63,527 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,892 total reads

 148,892 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,629 total reads

 195,629 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,501 total reads

 243,501 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,332 total reads

 344,332 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top